A short chapter. Sorry. Still suffering from writer's block.
Dedicated to all of you. Thank you. <3
HAPPY HALLOWEEN? :)
---------------------------------------------------------------------------------------------
SC 1
NO ONE'S POV
"Doc, kamusta na po sila?" tanong ng isang lalaki. Nasa mid 30s ang edad nito. Nakatayo sila sa labas ng isang pribadong kwarto sa ospital. Nakadungaw sa maliit na glass window ng pintuan nito. Makikita ang dalawang kama, nakahiga ang isang lalaki at sa kabila naman ay isang babae. Maraming nakadikit na kung anu-anong apparatus sa katawan nila.
"Not very good. It has been 2 months sir. Both of them are still in the state of coma. God knows when will they wake up. I'm very sorry."
"T-This is a-all my f-fault.." nanginginig ang boses niyang sabi. Drops of crystal are flowing down his cheeks.
Sa bata niyang edad ay parang ilang taon ang itinanda niya. His handsome face is starting to get wrinkly, pumuputi na rin ang buhok niya. You can see regret and sadness all over his face. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha niya, hindi maipinta. Kung titignan mo ay parang pasan-pasan niya ang buong mundo sa mga problemang kinakaharap niya.
Yinakap siya ng babaeng katabi niya na halos ka-edad niya rin. Ito marahil ay ang kanyang asawa.
"H-how about h-him?" patuloy na tanong ng lalaki. Naglakad sila pahakbang sa katabi lang nitong kwarto. Isang lalaking pasyente naman ang nasa loob nito na nag-iisa lamang at solo ang kwarto.
"Same case sir. He suffered severe head trauma, also, leading to coma. I'm really sorry. Stay strong Mr. and Mrs. Padilla. God is good. God is good."
"I-I'm a bad f-father! I'M A BAD FATHER! THIS IS ALL MY FAULT!" sigaw ng lalaki habang napapasabunot sa kanyang buhok. Pinagtitinginan na siya ng mga tao at nurse na napapadaan sa gawi nila.
"Sir, please calm down. You are disturbing the patients. Please be quiet." sabi ng doktor.
"Hon, calm down! Please." sabi ng asawa niya habang inaalo at pinapatigil siya sa pagsigaw.
"NO! NO! I'M A BAD FATHER! I'M A BAD FAAAAHAA..HA--" napatigil ito sa pagsigaw at napahawak sa kanyang dibdib. Unti-unti itong napaluhod habang nanlalaki ang mata.
"Oh my god!" sabi ng asawa niya.
"NURSE! NURSE! Bring a stretcher immediately! We need to take him to the ICU. Hurry up!!" ma-awtoridad na utos ng binatang doktor.
Agad namang tumalima ang mga ito.
Inatake ito sa puso.
Unti-unting lumalabo ang paningin niya. Parang nagslow-motion ang lahat ng naririnig niya sa paligid. Malakas hanggang sa pahina ng pahina. Huli niyang nakita ang nag-aalalang mukha ng kanyang asawa.
The man slowly closed his eyes, then everything went black.
He fainted.
Her wife suddenly shouted in grief.
She also fainted.
Nagkagulo na sa ospital. Natataranta na ang mga nurse.
-----------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Forgotten Labyrinth
FantasíaKung magising ka sa isang lugar na kakaiba, wala kang maalala at hindi mo alam kung sino ka. Mababaliw ka kaya? Kasi ako muntik na, muntik nang mawala sa katinuan ko. Ako si Aeris. Ang babaeng pinaglaruan ng tadhana.