Maze 7: Fieraegaiah, The Underground Tunnel. Face your Fears (Part 1)

996 37 8
                                    

Sorry sa super late update. Realy really busy. May inaasikasong school stuffs.

Ang tamang sagot sa previous riddle ay: love, pag-ibig, o pagmamahal. :)

Dedicated to wind_therese925. Kasi siya nakakuha ng tamang sagot. Hello!! :)))

Yung iba kasi hindi sure, hehe. pero magdededicate pa din ako dun sa ibang sumagot, sa next chapters, nagdedicate naman na ako sa inyo dati diba? :)))

 ----------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 7 (Part 1)

Kasalukuyang walang malay sina Axle, Skye at Aeris dala ng pagkakahulog sa madilim na butas na bigla nalang lumitaw sa kinatatayuan nila kanina lamang.

Aeris is vulnerable at night, right? Pero hindi naman siya nasaktan sa pagkahulog na yun. Bumagsak siyang nakapatong kay Skye at nakayakap kay Axle. On the other hand, hindi rin naman nasaktan ang dalawang lalaki. If Aeris is vulnerable at night, both guys are invincible at this time, and vice versa. 

Unang nagkamalay si Axle. Nagulat siya at nanlaki ang mata dahil nakayakap sa kanya si Aeris. Ipinagwalang-bahala niya na lamang muna ito at tumingin-tingin sa paligid. It is quite dark, but also, dimly lit. Burning torches are placed all over the walls, the place looks like an ancient dungeon.

The three of them are currently lying on an intersection, nasa gitna sila, may daanan sa harap, sa likod, sa kanan at sa kaliwa. Hindi pantay-pantay ang bawat daanan, may masikip, may malawak, at may sakto lang. Amoy-amag ang paligid. The smell of mildew emanates from the dungeon-like walls.

Nagulat si Axle at napatingin kay Aeris dahil bigla nalang itong gumalaw. Humihigpit ang yakap nito at nagsusumiksik sa matipuno niyang dibdib. Pinagmamasdan niya ang mukha ng dalaga. Her face is really beautiful, mahahaba rin ang pilik mata niya at matangos rin ang ilong. Her lovely cheeks are pinkish red in color. Her lips is thin yet full, she's like a goddess. A natural beauty. It is truly mesmerizing.

Bigla nalang ngumiti si Aeris na parang may napapanaginipan na maganda, lalo pa niyang yinayakap si Axle. Inaamoy-amoy pa niya ito at pangiti-ngiti na parang baliw, pero nakapikit naman siya. Nananaginip?

Pinipigilan nalang ni Axle yung tawa niya dahil sa itsura ni Aeris. Para itong tanga na inaamo-amoy siya at kung makangiti wagas! Ginawa ata siyang unan o kaya naman eh isang malaking teddy bear.


Hmm.. ang bango..

Ang laki naman nitong unan ko..

Ang sarap sarap yakapin..

At saka yung hinihigaan ko, ang lambot..

T-teka, teka, bakit parang may matigas?

Hala, at saka bakit parang umuuga? Lumilindol ba?

Hindi alam ni Aeris na nakayakap siya kay Axle at pinipigilan nito ang tawa kaya't nararamdaman niyang umuuga dahil nakapatong ang ulo niya sa dibdib ng lalake.

Forgotten LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon