Maze 8: Frozen

689 43 23
                                    

A/N: Here guys, sorry sa sobrang late na UD. May writer's block ako ditey. :3 Thank you sa mga nagbabasa pa. <3

--

CHAPTER 8

NAKALABAS na ng maze si Axle habang buhat-buhat si Aeris. Nakarating sila sa isa nanamang maze. Puno ng nyebe ang paligid. Pati mga bulaklak sa gilid ay gawa sa yelo. Malakas ang hangin at madilim, gabi pa rin. Umuulan ng nyebe at halos walang makita sa paligid, puro puti lang. Malabo.

Huminto sa labasan si Axle dahil nangako silang hihintayin si Skye. Wala siyang nararamdamang lamig ngunit kita niyang nanginginig si Aeris. Bumalik siya sa loob ng kweba at umupo malapit sa labasan. Sumandal siya sa dingding nito habang inaalalayan ang walang malay na si Aeris.

"Aeris, hang in there. Let's just wait for Skye," sabi niya kay Aeris kahit wala itong malay-tao.

Yinakap niya na lang ang dalaga at naramdaman naman niyang kahit papaano ay nawala ang panginginig nito. "Skye! Hurry up you bastard!" sigaw niya sa loob ng kweba kahit hindi siya sigurado kung maririnig ni Skye. His voice echoed inside repeatedly.

"Axle! Axle! Gising!"

"Aw! Dammit! That hurt you idiot!"

Hindi namalayan ni Axle na nakatulog pala siya. Sa sapak lang ni Skye kaya siya nagising.

"Huh? Ba't ka nasaktan? Sorry! Anong nangyari? Saka salamat at hinintay niyo 'ko. May demonyo kasi doon sa loob, buti nakalabas ako."

"Aeris fainted. Can't you see? Glad you're safe. We have to go," sabi ni Axle.

Napasulyap sila sa labas. Hindi na umuulan ng nyebe, maaliwalas na 'yung paligid. Lumiliwanag na 'yung langit. Pero mga bloke pa rin ng yelo ang bumubuo sa susunod na maze sa labas. Aeris is invincible at day, right? While, Axle and Skye are vulnerable. They need to help each other in order to survive day and night, it's hard.

"Uughh..." Aeris groaned.

"Aeris?"

 

"Prinsesa?"

Napadilat na ng mata si Aeris. "Axle? Skye? What happened?" tanong niya habang kinukusot 'yung mata na parang walang nangyari. 

"Aish. This girl really... you fainted. Idiot," inis na sabi ni Axle. Hindi siya sinagot ng dalaga.

"Okay ka lang ba, Aeris?" tanong naman ni Skye.

"Sorry... Skye, Axle. Okay na ako. Umaga na pal--"

"Sorry!" Napatayo bigla si Aeris kasi nakahiga pa pala siya kay Axle. Masyadong inenjoy 'yung kama niya kuno. Ayun, pulang-pula sa hiya at nanlalaki 'yung mata.

"Tch. We better go. Let's go." Pinagpag ni Axle 'yung pantalon niya at tumayo na. Hinila niya si Aeris na  nakatulalang nakatayo doon.

"Hoy! Hintayin niyo ako!" sigaw naman ni Skye at humabol sa kanila. Nakalabas na sila sa bungad ng kweba. 

Tinatahak na nila ang napakahabang ice maze, lumalakad sila sa nyebe habang pasulyap-sulyap sa paligid. Tila pinag-aaralan ni Skye at Axle ang kabuuan niyon, si Aeris naman ay walang pakialam at nagha-hum pang lumalakad.

Aeris was full of life while walking, she's emitting an aura similar to her glowing golden dress... a happy one. Pero parang walang gana ang dalawang lalaking kasama niya. Their faces say it all...empty. 

Forgotten LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon