Dedicated to yrah04. Hi ate, salamat po sa pag-add sa RL. :)
----------------------------------------------------------------------------------
Chapter 6. (Part 1)
Papalapit na sina Aeris sa may bungad ng gubat. Tanaw na nila ang mala-stonehenge na entrance nito. Oo, isa itong pintuan, at yun lang ang tanging pwede nilang daanan upang makapasok sa loob.
(--->1st pic)
"Skye, matanong nga kita, bading ka ba?" Aeris asked out of the blue habang naglalakad sila. Nagtataka siguro siya sa inakto ni Skye kani-kanina nung nag-aaway sila ni Axle.
"Ha? Ako?" tinuro ni Skye ang sarili. "Hindi boss, lalaking-lalaki ata 'to. Nagbading-badingan lang ako para mapatawa kita. Effective naman diba?" taas-baba ang kilay niyang sabi habang nakatingin kay Aeris, kumindat pa ito.
Namula si Aeris at napaiwas ng tingin. "Bakit mo nga pala natanong?" sabi ni Skye at bigla niyang inakbayan si Aeris, lalo tuloy itong namula.
"Ha? A-ah.. eh.. naninigurado lang naman." wala sa sariling sabi ni Aeris, hindi siya makatingin kay Skye ng diretso.
Biglang umubo si Axle. "Ehem! Ehem!" sabi niya. Halata sa mukha niya ang inis. Napahinto silang tatlo sa paglakad, nasa may tapat na pala sila ng pinto.
Nakahinga ng maluwag si Aeris, bumitaw siya sa pagkakahawak kay Axle at tinanggal niya ang pagkaka-akbay ni Skye sa kanya. Lumapit siya sa may pinto, may nakasulat nanaman dito.
"Are you starting to get puzzled? Well then, come in and be dazzled."
May katuloy pa ito sa baba.
"Trust in nobody. You'll never know what a person truly feels if you won't look deep enough. Be careful, choose wisely. You're almost there.."
Bubuksan na sana ni Aeris ang pinto ng may makita pa siyang katuloy nun. Hindi kasi halata dahil mas maliit ang pagkakasulat nito kumpara sa mga nauna.
"Marami ang nabibiktima ng maling akala. Mag-iingat ka, mahirap nang malunod baka hindi ka na makaahon pa.."
Napakunot-noo si Aeris.
Anong ibig sabihin ng mga 'to.. isip niya.
"Ay ubod ng gwapo!" nagulat siya ng may kumalabit sa kanya. Si Skye lang pala, napahawak pa tuloy siya sa dibdib niya dala ng gulat.
"Naks. Salamat! Ano palang ginagawa mo, bakit kanina ka pa nakatayo jan?" tanong ni Skye.
"Ha? A-ah..eh.. binabasa ko lang yung nakasulat dito." turo ni Aeris sa pinto ng hindi nakatingin.
BINABASA MO ANG
Forgotten Labyrinth
FantasyKung magising ka sa isang lugar na kakaiba, wala kang maalala at hindi mo alam kung sino ka. Mababaliw ka kaya? Kasi ako muntik na, muntik nang mawala sa katinuan ko. Ako si Aeris. Ang babaeng pinaglaruan ng tadhana.