Kalokohan po itong chapter na 'to. Pasensya na. Haha. Sunod na lang yung 'Gubat ng Misteryo'. :)
Dedicated to NerdyPrincess12. Hey Prey! Thanks for becoming a fan. :)
---------------------------------------------------------------------------------------------
Skye the Wise Guy
and
Axle the Haughty
AERIS' POV
Hindi maipinta ang mukha nina Axle at Skye. Sinusuri nila ng tingin ang bawat isa, ramdam ko ang mabigat na tensiyon na namumuo sa pagitan nila. Kulang na lang magpatayan na sila sa tingin.Alam nilang magkamukha sila. Para silang nakatingin sa salamin, but as you can see, their attitude is the exact opposite. Pati kulay ng damit magkakontra, red and blue.
Axle is more of a badboy type of guy. Maangas ang dating niya, pero suave pa rin, cool lang. Siya yung tipo ng lalaki na pagnakita mo, mapapalingon ka ulit sa sobrang kagwapuhan. Pero 'pag makilala mo, hay naku, masasampal mo sa sobrang kayabangan. His aura is quite dark, parang may mabigat siyang pinagdaanan o kaya'y may tinatagong sikreto. Ewan ko, feeling ko lang siguro.
Si Skye naman, he's a bit more of a nice guy. Medyo nerdy ang itsura, kaso malakas din ang dating. His persona gives you a mysterious feel, parang may kakaiba sa kanya na hindi mo alam. Ah ewan, basta may kakaiba sa kanilang dalawa.
Well, I don't wanna judge much further, hindi ko pa naman sila lubusang kilala but I must say, I like Skye way better than Mr. Arrogant..
"I am way more handsome than you!" See what I mean. Axle referring to Skye.
"Ulol! Magkamukha lang tayo!" Skye
"Tch. I am hotter than you!" Axle
"HOT? HOT? Ano ka? Hotdog? Hotcake? Hot Pandesal? Hot Chocolate? Hot coffee? Wala ka pala sakin eh, SIZZLING HOT! O diba? San ka pa? Kay Skye the Cutie Pie!" pambabasag ni Skye.
"Sizzling Hot your face! Skye the Cutie Pie? More like Skye the Dorky Guy! You weakling! I am stronger than you. Look!" pagmamayabang ni Axle, pinakita pa yung biceps niya.
"Wala akong pake! Mas matalino naman ako sayo! See." tinuro naman ni Skye yung sentido niya.
"Says who?" hirit nanaman ni Axle.
"Tanga! Malamang sabi ko! May iba pa bang nagsalita dito? Wala naman diba? Duh! Halerr??" at nag-inarte pang parang bakla si Skye nung sinabi yung 'haler', ultimo boses iniba eh.
BINABASA MO ANG
Forgotten Labyrinth
FantastikKung magising ka sa isang lugar na kakaiba, wala kang maalala at hindi mo alam kung sino ka. Mababaliw ka kaya? Kasi ako muntik na, muntik nang mawala sa katinuan ko. Ako si Aeris. Ang babaeng pinaglaruan ng tadhana.