Maze 9: Aeris

361 26 11
                                    

CHAPTER 9

PAGDATING nila sa pinakatuktok, sumalubong sa kanila ang isang paraiso. Mas nakita nila nang malapitan 'yung kastilyong lumulutang sa 'di kalayuan. Sobrang ganda niyon at kumikintab-kintab na parang yelong nasisinagan ng araw.

"OMG!" sigaw ni Aeris.

"Wow ganda!" sigaw din ni Skye.

And Axle? As usual, poker face pa rin at parang ayaw niyang nasa tuktok sila.

"Hoy Sungit! May fear of heights ka ba? Hindi maipinta 'yung mukha mo e!" sabi ni Aeris habang tumatawa nang malakas.

"Shut up, Amazona!"

"E-Ehem!"

Napatingin silang lahat sa isang direksiyon kung saan nanggaling yung boses.

May nakita silang lalakeng napapalibutan ng liwanag na nakasuot ng korona. Naroon ito sa tabi ng isang lumulutang na barkong gawa sa ginto. Isa na namang fairy?

Nagulat sila nang bigla itong ngumiti nang mapanloko at nagsalita.

"Magandang araw mga tagalupa. Ako nga pala si Henrick, ang Fairy King. Etong barkong ito ang magiging susi para makarating kayo sa kastilyong iyon!" sabay turo niya sa kastilyong gawa sa yelo na napapalibutan ng ulap na nakita nila Aeris kanina sa 'di kalayuan.

"Handa na ba kayo?" habol niyang sabi sabay ngisi.

"Ha? Ano? Handa saan?" tanong ni Skye.

"Oo nga, anong meron?" tanong din ni Aeris.

"Tss," maririnig mong sabi naman ni Axle.

Napafacepalm ang hari ng mga fairy.

"Malamang! Sa pagsubok! Anong tingin niyo, gano'n na lang kadali para pasakayin ko kayo dito? Asa! Entertain me first! O ano, inuulit ko. Handa na ba kayo?" pagalit na sabi ni Henrick pero nakangisi.

"Wait, wait, wait! Anong pagsubok ba ang ipagagawa mo?" makulit na tanong ni Skye.

Sina Axle at Aeris naman ay tahimik lang na tila hinihintay ang sagot ng Fairy King na si Henrick.

Napakunot noo si Henrick sabay ngisi. "Inuulit ko mga tagalupa. Handa na ba kayo?" tanong niya sa isang pagalit na tono.

Tumingin siya kay Skye na parang nahintatakutan. Napalunok ito at paulit-ulit na pikit sara ang mga mata, halatang ninenerbiyos. "B-Bahala na si Batman! Oo handa na ho, Kamahalan!" nauutal pero masigla nitong sabi.

Sumunod na tinignan ni Henrick si Aeris. Unti-unti niya itong linalapitan ngunit dahan-dahan namang umaatras ang dalaga. Napangisi na naman siya at titig na titig lang kay Aeris, hinihintay ang sagot nito. Tumango lang ang dalaga nang paulit-ulit at halatang natatakot sa kanya.

Napailing siya sabay tawa nang mahina. Napasulyap siya kay Axle. Hindi ito natinag sa kanyang pwesto at sinamaan siya nang tingin. Ngumisi pa ang binata na tila hinahamon siya. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Sa palagay ko ay handa na kayo? Kung gano'n, pagbilang ko ng tatlo, mag-uumpisa na tayo."

"Isa..."

"Dalawa..."

"Tatlo!"

Blag!

"Aeris!" sabay na sigaw ni Axle at Skye.

Patakbo na sana sila papalapit kay Aeris na nawalan ng malay ngunit natigilan sila...

Pinitik ni Henrick ang dalawa niyang daliri. Sa isang iglap, nagdilim ang lahat. Parehong bumagsak at nawalan ng malay-tao sina Axle at Skye. Tatlo na silang nakahimlay sa ibabaw ng ulap at malaparaisong lugar na iyon.

Ngumiti sa huling pagkakataon si Henrick at sinulyapan ang tatlo. Bigla na lang itong naglahong parang bula.

***

Unti-unting naalimpungatan sina Axle at Skye. Hindi nila alam kung ilang oras ailang nawalan ng malay. Dahan-dahan nilang binuksan ang kanilang nga mata.

Pareho silang napatayo at nanlaki ang mata sa nakita. Napatingin sila sa isa't-isa at halatang nagtataka. Naroon na sila sa lumulutang na barko ngunit napapaligiran sila ng maraming babaeng nakahimlay sa barko.

At kung nagtataka kayo kung bakit sila nagulat...

Lahat ng babaeng iyon ay si Aeris!

"Aeris! Aeris!" sigaw nilang dalawa.

Napatda sila nang sabay-sabay na gumising ang maraming Aeris na nakapalibot sa kanila. Hindi lang isa, dalawa, ngunit higit pa sa sampu ang naroon.

Ngumiti ang mga babae sa kanila. "Axle! Skye!" pare-pareho nilang sambit.

Napatingin ang mga babae sa isa't-isa na tila naguguluhan.

"Huh? B-Bakit...? Anong nangyari? Nananaginip ba ako?" sabay-sabay na sabi nila.

Nag-unahan silang lumapit sa dalawang binata.

"Axle! Ako si Aeris!"

"Skye! Skye! Ako si Aeris!"

"Huwag kang maniwala sa kanya Axle! Ako ang totoong Aeris!"

"Ako lang ang tunay na Aeris dito! 'Di ba, Skye?"

"Hindi! Ako ang totoo! Maniwala kayo sa akin!"

"Sinungaling silang lahat! Axle! Skye! Ako si Aeris!"

Halos mabaliw silang dalawa sa sigaw ng mga babae--ni Aeris. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila. Anong kailangan nilang gawin? Wala na sa paligid ang Fairy King na si Henrick.

Anong klaseng pagsubok ang binigay niya? Nakakabaliw!

Paano nila malalaman kung sino ang totoong Aeris?

Forgotten LabyrinthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon