Mahilo ulit kayo. Para sa Team Axle. XD. Nakiki-ayon pa sakin ang PAI, buti na lang. hahahaha. :D
Fervor. meaning, intense and passionate feeling.
Dedicated to xoxoKathB. Hii! thank you sa pag-add sa RL. :)
-----------------------------------------------------------------------------------
Chapter 6.5
Love does not begin and end the way we seem to think it does. Love is a battle, love is a war; love is growing up.
Tagos na tagos sa puso ni Aeris lahat ng sinabi ng dalawa, sumasakit na ang ulo niya pero wala man lang kamalay-malay ang dalawang lalaki sa mga pinagsasasabi nila. Aeris is starting to get confused.
Ngayon siya nakakasigurado na isa sa kanila ang lalaking mahal niya pero sino sa kanila?
Nagsimula ng kainin ng dalawang lalaki ang huling prutas, ang pula at ang asul. Hugis puso din ito pero mas malaki ang dalawa kumpara sa mga nauna.
Tears slowly started to fall from her eyes as she watch the two guys. Wala man lang kamalay-malay ang dalawa dahil nakatuon ang atensyon nila sa kinakain.
She was looking at both of them so earnestly, memorizing every detail of their face. Ang manipis nilang kilay, their dark chocolate brown eyes, yung mahahaba nilang pilik mata, their big eye bags which give more appeal to their handsome face, yung matangos nilang ilong at higit sa lahat yung mapula at manipis nilang mga labi.
Ayaw na niyang makalimutan pa ulit iyon ngayong alam na niya na isa sa kanila ang lalaking mahal niya. Ang ipinagtataka niya lang ay kung bakit magkamukha sila dahil base sa alaala niya ay iisa lang ito, walang kakambal o anupaman.
Unit-unting lumilinaw ang imahe ng lalaki sa kanyang memorya. Ang mukha nina Axle at Skye ang nabubuo niyon. Natatandaan na niya ang mukha ng lalaking mahal niya, pero sino sa kanila? Hindi niya pa rin maalala ang tunay na pangalan nito, naguguluhan siya, yung mga tawagan lang nila ang naaalala niya.
Natigil siya sa pagmumuni-muni ng mapansing ubos na nina Axle at Skye ang kinakain nilang prutas. Tulala at hindi gumagalaw ang dalawa.
--BLAG!
Nagulat nalang siya ng sumubsob ang ulo ni Skye sa may lamesa. Napapikit ito at pagkatapos ay biglang....humilik, nakatulog lang pala siya. Nakahinga ng maluwag si Aeris, akala niya kung napaano na ito, napagod lang siguro isip niya.
Binalingan niya si Axle, diretso lang itong nakatingin sa kawalan, hindi man lang ito tumitinag o kahit kumurap man lang. Kinalabit niya ito.
"Pssst! Axle, okay ka lang?"
Dahan-dahang lumingon sa kanya ang lalaki, tumayo ito at parang robot na lumapit sa harap niya. He leaned forward, magkalapit na magkalapit ang mukha nilang dalawa, tinititigan siya nito ng mata sa mata.
Nagulat siya, bigla nalang pinunasan ng lalaki ang bahid ng luha sa kanyang mga pisngi..
![](https://img.wattpad.com/cover/2010063-288-k912578.jpg)
BINABASA MO ANG
Forgotten Labyrinth
FantasyKung magising ka sa isang lugar na kakaiba, wala kang maalala at hindi mo alam kung sino ka. Mababaliw ka kaya? Kasi ako muntik na, muntik nang mawala sa katinuan ko. Ako si Aeris. Ang babaeng pinaglaruan ng tadhana.