Episode 1

139 5 7
                                    

Sobrang sarap sa pakiramdam ng mainit na tubig galing sa shower  na dumadaloy sa katawan ko habang naliligo. Hindi na ako makapaghintay na makita siya ulit. Tatlong buwan ko pa lang siyang hindi nakikita dahil naging busy ako sa business trip sa company ng family, pero sobrang miss ko na siya agad.

"Ahh..."

Tinuyo ko ang sariling katawan gamit ang isang puting tuwalya at tinakpan nito ang kalahating katawan ko, sa parteng ibaba. Lumabas ako mula sa shower room na nasa loob lang naman ng kuwarto ko. Nagbihis ako, at siyempre, nagpaguwapo para naman matuwa siya kapag nakita niya ako mamaya.

"Alam ko namang guwapo ka na kahit hindi ka mag-ayos, pero bakit ka magsesettle sa guwapo, kung puwede ka namang maging mas guwapo?" sabi ko habang nakatingin sa salamin, parang baliw na kinakausap ang sarili. Ngumiti ako bago umalis sa kinatatayuan ko. 'Yung pamatay na ngiti ko, siyempre. Mahirap maging guwapo. Nahuhumaling ang mga babae sa ngiti ko.

Limang oras din akong nagmaneho ng pangmayaman kong kotse papunta sa bahay ampunan kung saan siya nakatira, kaya pagod ako nang makarating dito. Bahay ampunan, pero malaki at maganda. Hindi man mansyon, pero masasabing pangmayaman ang bahay na ito. Pero mas nag-aalala ako sa kalagayan niya. Mabuti na lang may kasama siyang lima pang ka-edad niya kaya hindi siya masyadong malungkot.

"Uncle Harry!" nasasabik niyang sigaw habang patakbong lumalapit sa akin nang makapasok ako sa kuwarto niya. Niyakap niya ako, at ganun din ang ginawa ko. Sobrang namiss ko talaga siya. Umupo kami sa kama at kinandong ko siya sa hita ko.

"Kamusta naman ang prinsesa ng  buhay ko? Mukhang tumaba ka yata."

Umalis siya sa pagkakakandong sa akin at nakasimangot na hinarap ako.

"Talaga po bang tumaba ako? 'Yun din ang sinasabi nila sa akin, eh. Hindi na po ako ang prinsesa ng buhay niyo, uncle. Hindi pwedeng maging prinsesa ang matataba."

Hinawakan ko ang mga kamay niya bago ngumiti. Napakasensitive talaga ng batang ito. Kaya kailangan ko talagang maging maingat sa mga sinasabi ko, ayokong lumungkot ang prinsesa ko.

"Hindi kaya. Kahit sino pwedeng maging prinsesa basta mabait siya. Tsaka maganda, tulad mo."

"Pero wala naman po akong kilalang princess na mataba, eh. Si Cinderella, Rapunzel, Snow White, basta lahat sila hindi mataba!"

"Meron kaya, may kilala kaya ako."

"Sino naman?"

"Si Princess Fiona. Basta, kahit anong mangyari, you're my one and only princess, and that will never change.

Tumangu-tango siya nang nagring ang phone ko. Nag-excuse ako sa kanya para sagutin ang phone, si Ronaldo, ang personal secretary ko.

"Nandito ako sa blue mansion ngayon. Anong balita? May nahanap ka na bang personal maid ko?"

"Opo, meron na po akong nahanap at sigurado akong magugustuhan niyo siya. Nacheck ko na ang background niya at talagang maganda ito."

"Good. Pero meron ka pa bang kailangang sabihin sa akin maliban do'n?"

Medyo matagal bago siya nakasagot. Parang lumipat siya ng puwesto bago pabulong na nagsalita. "Si bruha, nandito na naman. Kanina pa nangungulit na sabihin ko kung nasaan ka ngayon. Pwede bang sabihin ko na lang? Sakit na ng tenga ko sa kanya, eh."

Tumawa ako nang mahina. Bahala siya. Hindi ko na 'yun problema. Sinabi ko na lang sa kanya na huwag na huwag niyang sasabihin sa kanya kung nasaan ako, o sisisantihin ko siya. Na bahala na siya kung anong sasabihin niya sa babaeng 'yun.

Hay naku, ang babaeng 'yun! That time, 18 pa lang kami , ni hindi nga kami umabot kahit isang buwan sa relasyon namin. At 23 na kami ngayon. Hanggang ngayon di pa rin siya nakakamove on. Nakakainis, masyado siyang childish. Alam kong guwapo ako, pero hindi lang ako ang nag-iisang guwapo dito sa mundo. Baliw ka na talaga, Erich.

The Living DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon