Episode 8

16 2 2
                                    

Nakahiga na ako ngayon dito sa kama sa kuwarto ko. Hindi ako makatulog. Hindi kasi siya mawala sa isip ko. Sa totoo lang, naiinis ako sa kanya. Kasi ayaw niyang tigilan 'yung isip ko. Kung anu-anong posisyon na ang ginawa ko. Minsan titihaya, dadapa, magtatakip ng unan, magtatalukbong, pero wala pa rin. Hindi pa rin ako makatulog. I hate it. Napabangon ako sabay gulo ng buhok ko.

"Haist! Puwede bang tigilan mo ako? Nakakainis na, gusto ko nang matulog."

Hindi ko naman talaga kailangang makatulog ng maaga. Wala akong balak pumasok bukas. Minsan lang talaga ako pumasok sa kompanya. My parents doesn't care. Meron naman kasi akong pinsan na mas mahusay talaga sa larangan ng business at dito nila ipinagkatiwala ang kompanya habang wala si kuya. Ako, kung kailan ko lang gustong pumasok o kung kailangan lang talaga ako. Ang mahalaga, may posisyon ako sa kompanya. Ganu'n kasi talaga ang parents ko, kung saan ka masaya, du'n ka. Sinabi kong di ko kailangang manahin ang kompanya, and they easily agreed with my decision. May tiwala kasi silang kahit ang pinsan ko ang magmamana ng kompanya ay mas may future ito. Si kuya kasi, pagbalik sa Pilipinas, tutulong lang sandali sa kompanya at magsasarili na. Gusto niya kasing siya mismo ang magtatatag ng sarili niyang kompanya. Isa pa, alam nila kung gaano kabuting tao ang pinsan ko na 'yun, kaya alam nilang hindi ako pababayaan nito, at alam ko rin 'yun. Kaya nga chill-chill lang ako, eh. Tsaka na ko magseseryoso sa work ko kapag mag-aasawa na ako. Haha.

Bumaba na lang ako para uminom ng gatas. Pumunta ako sa kitchen at nagtimpla ng gatas. Hawak ang basong may lamang gatas ay nagtungo ako sa sala at naupo sa sofa. Inunti-unti kong ininom ang gatas nang mapansin ko na naiwan pala ni Jean ang bag niya sa sofa na tapat ng kinauupuan ko. I assume na sa kanya ito since kaming dalawa lang naman ang nandito at hindi ako bakla para gumamit ng pambabaeng bag.

Kinuha ko ito para isauli sana sa kanya, kaso naisip kong baka tulog na siya kaya matapos maubos ang gatas, bumalik ako ng kuwarto kasama ang bag ni Jean. Nilagay ko ito sa side table ng kuwarto ko bago bumalik sa pagkakahiga. Ganu'n pa rin, hindi pa rin ako makatulog. Napatingin ako sa side table kung saan naroon ang bag ni Jean.

Sa totoo lang, ayokong pakialaman 'yung bag niya. I consider her privacy. Pero dahil curious ako, di ko napigilang kalkalin ito. Nainip rin kasi ako, di oa rin kasi ako  dinadalaw ng antok. Puno ng kung anu-anong abubot lalo na ng mga make up at iba pang kolorete sa mukha. But one thing stood out to me, a small notebook. Barbie ang cover nito, so mahilig rin pala siya sa barbie? Manipis lang ito, ilang pahina lang yata ang meron ito. I consider not reading it at all, but I still did, once again, out of curiousity. I'm really sorry!

To the richest person I know,

Para sa kanya ang sulat na ito. Sino kaya ito? Ayoko namang mag-assume na ako ito, kasi bakit naman niya ako susulatan? Pero naisip ko rin, ako ang pinakamayaman sa school namin noon. Bahala na nga.

Today, you wanted to befriend me. I was very surprised for the fact that the richest student in our school wanna know me and even become his friend.

Confirmed! It was really for me. But the question that formed in my mind, why did she wrote this for me?

I was amazed for that attitude of yours. You are more than a sweet person. Because of that, I admired you more.

Nalilito ako du'n sa 'I admired you more'. Ni ayaw niya nga sa akin, tapos ganu'n pa ang sasabihin niya?

I always like you since last month. At first, I really hate you! It seems like you use your status and acts good to other people just to impress them. I don't like those kind of people, I want them out of my sight. But you're definitely not one of them.

The Living DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon