Episode 7

14 3 1
                                    

Di na ako nakatiis, nilapitan ko na sila. Bago pa ako huminto sa paglakad ay kapwa na sila lumingon sa akin, kapwa nanlaki ang mga mata.

"Anong karapatan mong saktan ang babaeng nililigawan ko?"

Nagtinginan sila, muling itinuon ang atensyon sa akin, hindi pa rin nawawala ang gulat sa kanilang mga mukha.

"Sa tingin ko, wala kang karapatang saktan ang kahit na sino. Isa pa, ano bang ginagawa mo dito? Kaya pala ang tagal-tagal bago pumasok ni Jean, eh. Minsan lang mangyari na kaming dalawa lang dito sa mansyon, tapos sisirain mo pa?"

Namutla si Erich at biglang umamo ang mukha, o mas tamang sabihin na nagmukhang nagpapaawa siya. Hindi niya ako maloloko. Hindi puwedeng mapalitan ang mukha ng maamong pusa ang mukha ng mabangis na tigre ng ganu'n-ganu'n lang. That's beyond reality.

"Nililigawan? Kayong dalawa lang? Sa isang mansyon? Nagbibiro ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Umiling lang siya, samantalang tila ba nabato sa kinatatayuan niya si Jean. Pasensya ka na, Jean. Nakakahiya na nadadamay ka pa. Pero sawa na ko sa pangungulit nitong si Erich. Masama na kung masama, pero isa na lang ang gusto kong mangyari sa kanya; ang mawala siya sa buhay ko.

Hinila ko palapit sa akin si Jean. Hinaplos ko 'yung magkabilang pisngi niya na sinampal ni Erich. Ang babaeng mukhang manikang ito, hindi dapat sinasaktan, sa halip ay dapat mahalin. Kung ginagayuma niya man ako, alam ko sa sarili kong galing ang mga ito sa sarili kong isip. Hindi ko na rin ito itatanggi. Nahihirapan na akong magdeny, eh.

"Masakit ba?"

Umiling-iling lang siya.

"Mahapdi ba?"

Umuling ulit siya.

"Bakit ka umiiyak?"

Umiling ulit siya. Parang nadudurog 'yung puso ko habang pinapanood ko 'yung ilang luha na tumutulo mula sa kanyang mga mata. Tumingin ako kay Erich na alam kong nanonood sa amin. Yumuko siya nang tumingin ako sa kanya.

"I'm sorry. Ikaw naman kasi, eh. Hindi mo agad sinabi sa akin na may iba ka na palang mahal. Kung alam ko lang, handa naman akong magparaya, eh."

"Kung handa kang magparaya, bakit hindi mo ko tinigilan so loob ng maraming taon? Feeling ko tuloy baliw ka, baliw na baliw sa akin."

This time, she lifted her head and eyed me. Nagsimula na naman siyang maging mataray.

"Hoy, hindi naman ako baliw no. At mas lalong hindi ako baliw sa'yo. Para sabihin ko sa'yo, guwapo ka nga, pero hindi lang naman ikaw ang guwapo sa buong mundo!"

Sabi ko nga.

"Wala kasi akong nakikitang babae mo. Naisip ko na lonely ka, kaya 'yun, nagpanggap ako na baliw na baliw sa'yo. Sadyang mabait lang ako kaya handa akong saluhin kapag failed ka sa love life mo."

Ibang klase rin siya, ah. Narealize namin ni Jean na sobra pa rin kaming magkalapit sa isa't isa kaya bahagya kaming lumayo para maiwasan ang awkwardness. Tumingin si Erich kay Jean.

"Anyway, congrats. Ikaw ang nanalo sa puso ng mokong na 'to. Binabati kita."

Naiilang na ngumiti si Jean habang nakikipagkamay sa kanya. Matapos makipagkamay ay tumingin sa akin ang baliw na babae.

"Hindi kita babatiin. Si Jean lang."

Sumimangot ako. "Bakit naman? Madaya ka talaga."

"Si Jean pa lang naman ang nananalo sa puso mo, eh. Bakit, mahal ka na ba ni Jean? Nakuha mo na ba ang matamis niyang oo? Diba hindi pa? Ipapaalala ko lang sa'yo 'yung sinabi mo sa kanya, nanliligaw ka pa lang."

The Living DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon