Episode 4

29 5 8
                                    

Pambihira. Ang babaeng 'yun, inuubos talaga ang pasensya ko. Bakit ba ang arte-arte niya? Ilang beses na siyang tinawagan at tinext ni Ronaldo, pero hindi manlang sumagot sa kahit alin sa mga iyon. Ngayon pa ba na kailangan ko siya.

"Sa tingin ko po Sir, kailangan niyo nang tawagan siya."

Itinuro ko ang sarili ko gamit ang kanang kamay ko. "Ako? Ako ang tatawag sa kanya?"

Nandito kami ngayon sa office ko. Nakaupo ako sa desk ko, habang siya naman ay nakatayo sa harapan ko.

"Opo. At gamitin niyo po ang phone niyo. Para hindi niya alam kung sino 'yung tumatawag."

"Inuutusan mo ba ako?"

"Hindi naman po. Pero 'yun na lang ang paraan, eh."

Napakamot siya ng ulo. Haist. Parang hindi professional ang kaharap ko ngayon. Nakakainis. Pero hinayaan ko na lang, ayokong dumagdag pa siya sa problema ko.

"Puwedeng-puwede mo namang gawin 'yun. Bumili ka ng bagong sim-" Pinutol ko na lang ang dapat sasabihin ko. Bukod sa nakakapagod dumakdak ng dumakdak, napansin kong nagiging prideful na naman ako. I'm trying to be a better person. Sinabi ko na ako na lang ang gagawa.

Kinuha ko 'yung resume niya at hinanap ang phone number niya. I dialled her number on my phone then saved it. I named it "Buwisit ng Buhay ko" 'coz it's true. Then I started calling her.

"Hi there. Sino po sila? Ano pong maitutulong ko sa inyo."

Napangiti ako dahil sa kaartehan ng pagsasalita niya. Inayos ko ang upo ko. Parang ginanahan akong makipag-usap sa babaeng ito.

"Sobrang galang niyo naman, miss. Ganyan ang tipo ng mga lalaki, 'yung mga magagalang na babae."

"Siyempre naman po, ganun dapat ang mga lalaki, hindi puro ganda, dapat nasa ugali rin kung minsan.  Pero maganda naman po ako, promise! At natural na magalang na tao. Sino nga ho ulit ito?"

"Albert. Albert, 'yung mahilig gumawa ng robots. Ako yung palaging nagbibigay sayo ng love letter dati. Tapos laging may kasamang drawing ng mga robot. Naaalala mo pa ba ako?"

Nilayo ko 'yung phone sa tainga ko. Tumili kasi, sobra ang kilig. Pero pakiramdam ko naman, peke, halatang pilit. Ni hindi nga niya nakita si Albert, eh. Buwisit talaga 'tong babaeng 'to. At mas lalong buwisit si Albert.

"Alam mo bang matagal na kitang hinahanap? Finally, nakausap din kita. Hay naku, matagal mo kong pinaghintay. Kailangan mong bumawi sa akin."

"Siyempre naman, Angela. Babawi ako sa'yo."

"'Yan ka na naman, eh. Angela palagi ang tawag mo sa akin. Alam mo bang ayaw na ayaw kong tinatawag ako sa palayaw ko?"

"Bakit naman?"

"Kasi ang layo nito sa totoo kong pangalan. Ang pangit. Joke, di naman pangit. Di ko lang type."

"Ako din, di ko type. Kasi ang type ko, ikaw."

Kadiri. Di totoo 'yun, gusto ko lang siyang mapahiya mamaya. Akala niya, 'yung secret admirer niya talaga ang kausap niya. Yari ka sa akin mamaya.

"Nakakainis ka, alam mo 'yun? Pinapakilig mo kasi ako, eh."

"Mas papakiligin kita sa tanong ko. Puwede ba tayong mag-date mamaya?"

"Huh? Date agad?"

"Para naman makita mo na ako. Tsaka miss na miss na rin kita, eh."

"Puwede naman. Kaso, nakakahiya, eh. Kasi...  wala akong susuotin na magandang damit. Alam mo na, poor pa rin kami. Lalo na wala na ang papa ko, tapos si mama, may sakit na. Nakakalungkot lang."

The Living DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon