Episode 2

54 6 5
                                    

Freak! Para akong nawala sa sarili, at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakadama ng kahihiyan sa harap ng isang babae. Bakit kasi parang normal lang sa kanya 'yung nangyari at tumalikod lang na walang halong tili katulad ng mga normal na babae? Hindi ko tuloy agad napansin na wala na pala 'yung tuwalya sa kalahating katawan ko. Para akong nabato sa kinatatayuan ko. Nang marealized ko na nakatayo na pala ako sa harap ng isang babae habang walang kahit na anong saplot na tumatakip sa katawan ko, agad kong pinulot 'yung towel at pinulupot ito sa bewang ko.

"Hoy, ikaw na babae ka, babae ka ba talaga? Hindi ka manlang tumili nu'ng nahulog 'yung tuwalya ko? Haist. Binubuwisit mo ako. Kapal talaga ng mukha. Ano bang gusto mo, di ka ba nahihiya sa sarili mo?"

Ngayon, nakaharap na siya sa akin. Di niya mapigilang tumingin sa ibabang parte ng katawan ko para siguraduhing meron nang nakatakip dito. Binalik niya ang tingin sa akin, at napansin kong napalunok siya nang ilang ulit. Babae pa rin naman pala siya.

"Hoy, ikaw ang dapat na mahiya. Isipin mo, naaatim mo na kasama mo ang isang babae, tapos nakatuwalya ka lang? Ikaw ang mahiya sa sarili mo."

Napakagat labi ako at inayos ang pustura ko, mas naging seryoso. "Aba, ako pa ba ang dapat na mahiya? Ikaw itong babae, tapos parang wala lang sayo nu'ng hubu't hubad na ko sa harapan mo. At isa pa, ikaw mismo ang pumasok sa kuwarto ko, sa kuwarto ng isang lalaking tuwalya lang ang suot. Sinong mas dapat mahiya?"

Umirap siya sa akin. "Wala akong pakialam. Pinagod mo ko, magpahanda ka ng meryenda, maghihintay ako sa living room."

Lumakad na siya palayo. "Hoy, babae! Ang kapal din naman ng mukha mo! Ikaw pa ang may ganang humingi ng meryenda! Buwisit ka talaga ng buhay ko."

Nag-ring yung phone ko at agad ko itong sinagot. "Sino to?"

"Honey, nasaan ka ba? Pinuntahan kita kanina sa blue mansion, pero wala ka naman. Ayaw naman sabihin ng secretary mo kung nasaan ka."

"Don't call me honey, please. Busy pa ako sa ngayon, sorry, hindi pa tayo puwedeng magkita. Isa pa, hindi naman talaga kailangang magkita palagi ang magkaibigan, right?"

Kung anu-ano pang kaartehan niya ang pinag-usapan namin hanggang sa tuluyan ko nang binaba ang phone. Sinasayang ng Erich na 'yun ang oras ko. May mas mahalagang bagay na kailangan kong asikasuhin ngayon. Tinawagan ko si Albert, ang roboticist na namamahala kay Barbie Angela.

"Ngayon ang deadline na ibinigay ko sa'yo para tapusin si Angela. Kamusta na ba siya?"

"Ayos na siya, at sigurado akong magugustuhan mo siya. Pulido ang pagkakagawa ng team dito, kailangan lang na maging maingat para hindi ito magkaroon ng malfunction."

"Good. Make sure that you will be very careful towards Angela. This is a life and death probability. Maging maingat kayo gaya ko."

Sa lahat ng pinakamaingat, ako na yata ang pinaka. Well, maliban na lang siguro kanina habang kausap ko 'yung buwisit ng buhay ko.

"Anyway, puwede ko ba siyang makita bukas? I have to check her up, it's a week before Helena's birthday."

He agreed and we'll meet tomorrow afternoon. I'm more than excited to see the humanoid robot who will make her the happiest birthday celebrator. I will do everything just to make her happy, and live.

***

That girl who looks like a living doll, I can't stop thinking about her. I really hate her! She was my classmate back then, and she was labeled as Jean the smartest. I wanna befriend her before, but just because I wasn't as smart as she was, she doesn't wanna talk to me.

The Living DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon