Episode 11

12 2 1
                                    

Nandito ako sa isang sulok ng kuwarto kung saan ginaganap ang birthday party ng kapatid ko. Nakatayo ako habang pinapanood ang mga batang kinakausap si Jean na inaakala nilang si Barbie Angela. Hindi ko maalis ang mga mata ko kay Jean. Sobrang ganda niya. Talaga nga bang nagugustuhan ko na ang babaeng ito? Napangiti na lang ako sa tanong ko.

Nandito ako sa kitchen, lumabas muna ako. Medyo naboring kasi ako. Malamang, birthday party ng mga bata 'yun, eh. Lumaki akong walang party na nagaganap. Ganu'n talaga sa pamilya namin. Hindi uso ang celebration lalo na't busy ang mama't papa ko. Wala na silang panahon para sa mga anak nila. But I'm not like them, and I don't wanna be like them that's why we have this party for Helena. Ayokong maranasan niya ang naranasan ko habang lumalaki. She will never ever feel that, I promise.

Kumuha ako ng bottled lemon juice sa refrigerator. Nauhaw kasi ako. Akmang iinumin ko na ito nang biglang dumating si Jean.

"Oh, anong ginagawa mo rito?"

"Ahm, kasi nauuhaw ako, eh. Di naman puwede du'n kasi siyempre, makikita ako ng mga bata. Kaya kailangan kong makainom bago pa sila dumating."

"Ganu'n ba?" Inabot ko sa kanya 'yung bottled lemon juice. "Oh, inumin mo na 'yan. Huwag kang mag-alala, di ko pa naman yan naiinuman."

Tinanggap niya naman ito at tsaka mabilis na ininom. Ibinalik niya ito sa akin.

"Salamat!"

"May kalahati pa, ah? Sayang kung di mo naman uubusin."

Nagpout siya. "Di ko na talaga kaya. Kaunti lang talaga ako uminom kahit nauuhaw na ako."

Kinuha ko 'yung bottled lemon juice at agad itong ininom. Napansin ko namang nanlaki ang mga ni Jean at tinanong ko siya kung anong problema.

"Kasi, ininuman mo 'yung boteng ginamit ko. So, parang nagkiss na rin tayo."

"Ganu'n ba yun?"

Tumango siya. Tumangu-tango rin ako. "Sige, pero mas maganda siguro kung yung totoong kiss ang gawin natin."

Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa. Di ko na kaya. Parang sasabog na ko kung hindi ko pa ma-express 'yung nararamdaman ko para sa kanya. Mabilis ko siyang nilapitan, hinawakan sa magkabilang pisngi at nilapat ang aking mga labi sa kanyang mga labi. I kissed her. That very moment, I confirmed that I don't like her, I love her. What made me grateful is that she's not against it. She let me kissed her. Di ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang pakiramdam ko. Ang alam ko lang, masaya ako.

***

Awkward. 'Yan ang status namin ni Jean pagbalik sa room kung nasaan ang mga bata. Kinausap niya lang 'yung mga bata, habang ako pasulyap-sulyap sa kanya. Nahuhuli ko rin  siya minsan na nakatingin sa akin. Ngiting-ngiti na ako sa isip ko.

Bigla na lang lumapit sa akin si Helena at hinila ako papunta sa nakatayong si Jean. "Uncle, sabi nyo meron kayong hinandang sayaw ni Barbie Angela para sa akin. Magsayaw na po kayo. Excited na kasi ako, eh."

Tumingin ako kay Jean na nakatingin na rin sa akin. Inabot ko sa kanya yung kamay ko. "So, can I have this dance?"

Pinatong niya 'yung kamay niya sa kaliwang kamay ko habang ang isa naman ay ipinatong niya sa aking balikat. Ang kanang kamay ko naman ay hinawakan siya sa kanyang beywang.

Nagsimulang tumugtog ang isang kanta. Isa sa mga tagapamahala ang nag-asikaso nito. Ang araw na ito, punung-puno ng kasiyahan.

Para akong nasa isang malaking kastilyo. Kaming dalawa lang ni Barbie Angela, wala na ang mga bata at tagapamahalang kanina ay pinapanood pa kami. Pakiramdam ko, solo ko siya sa mga oras na ito. Ang babaeng ito, wala naman siyang ginagawa, pero napapaibig niya ako. At bawat hakbang at galaw ng aming mga katawan na sumasabay sa tugtog ay tanda ng pagmamahal ko para sa kanya. Nakatitig din ako sa kanyang mga mata.

The Living DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon