Episode 5

21 3 1
                                    

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin, sa totoo lang. Para ngang gusto ko na lang sumuko, eh. Wala na yatang pag-asa. Pero, hindi ako puwedeng sumuko. Buhay ni Helena ang nakasalalay dito, at hindi ako puwedeng tumunganga lang dito sa kuwarto ko.

Mabilis akong nag-ayos ng sarili ko para puntahan si Jean. Offended talaga ako sa kanya nu'ng isang gabi. Nakakainis naman kasi talaga 'yung sinabi niya.

Kinuwento ko lahat-lahat sa kanya, kung bakit kailangan niyang magpanggap na maging robot, kung bakit ko ginagawa ito, kung para kanino, pati yung kalagayan ni Helena, sinabi ko na rin sa kanya. Pero ano 'yung naging reaksyon niya? Wala lang. Blangko.

"Ah, ganu'n ba? Hindi ko naman problema 'yun, eh. Ni hindi ko kilala 'yung batang 'yun. She's not even a relative to you, bakit ganyan ka makapag-alala sa kanya? I'm sorry, we don't have mutual feelings towards that child. Wala akong pakialam sa kanya. Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako."

Buwisit talaga siya. Hindi manlang siya naawa sa bata. Kababae niyang tao pero wala siyang puso. Tao ba talaga siya? Eh, mas may puso pa sa kanya 'yung saging. Pero kailangan kong kumilos, hindi puwedeng sumuko na lang ako. Mapapa-oo rin kita, Jean.

Gamit ang pangmayaman kong kotse ay nagpunta ako sa isang grocery store na malapit lang naman sa mansyon ko. Bumili lang ako ng ilang groceries na ibibigay ko kay Jean at sa pamilya niya. Katamtamang dami lang naman ang binili ko since nalaman kong dalawa na lang sila ng nanay nila ang magkasama. Matagal nang namatay ang tatay niya, at nag-iisang anak lang siya. Iba na talaga ang mayaman, kayang-kayang malaman ang buhay ng ibang tao.

Di na ko nagpasama kay Rolando papunta sa bahay ni Jean, dahil meron namang GPS. At gusto kong makita ni Jean 'yung effort na gagawin ko. 'Yung effort ko na hindi kailangang humingi ng tulong sa iba.

Malakas 'yung loob kong puntahan siya ng ganitong oras, katanghaliang tapat. Ayon kasi kay Rolando, wala namang trabaho itong si Jean kaya madalas siyang nasa bahay. So I assume that she's home now. I hope so.

Nakarating na ako sa bahay niya sa tulong ng GPS. Bumaba ako ng kotse dala ang groceries na binili ko at tumapat sa gate ng isang simpleng bahay. Sinimulan kong tawagin ang pangalan niya, hanggang sa isang matandang babae ang lumabas at marahang lumapit sa direksyon ko para pagbuksan ako ng gate. Kukunin niya sana 'yung bitbit kong supot, pero siyempre, hindi ako pumayag lalo na at matanda na siya.

"Sino po ba sila, at sinong kailangan niyo?"

"Ahm, nanay, ako nga pala si Harry, at hinahanap ko po si Jean, kayo ba ang nanay niya?"

"Ay, oo ako nga ang nanay niya. Sige, pumasok ka muna. Pagpasensyahan mo lang ang maliit naming bahay. Mukhang mayaman ka pa naman."

"Wala pong problema, nay. Ang mahalaga, tao ang nakatira."

Nagtawanan kami. Sumunod ako sa kanya papasok ng bahay nila. Maayos naman 'yung bahay nila, sadyang maliit lang. Pinaupo niya ako sa sahig ng sala nila, wala kasi silang upuan. Pumasok siya ng kuwarto. Mayamaya lang, lumabas din siya at naupo sa tapat ko.

"Para saan ba 'yang dala-dala mo? Manliligaw ka ba sa anak ko?"

Ngumiti ako. "Hindi po, nanay. Ganito lang talaga ako kapag bumibisita sa mga kaibigan ko, nagbibigay ako ng maliliit na bagay na sa tingin ko, puwedeng makatulong sa kanila."

"So, kaibigan mo si Jean?"

"Ahm... parang ganu'n na nga po."

"Ang suwerte naman ng anak ko. Meron siyang mabait na kaibigan. Dapat lang, kasi mabait na bata naman siya."

Pinilit kong ngumiti. Totoo ang sinasabi nila, ngayon ko lang talaga napatunayan. Kapag magulang mo, magsasabi ng magandang bagay tungkol sa'yo. Pero sa kaso ng mga magulang ko, hindi 'yun totoo. Kuya ko lang ang pinupuri nila, wala naman dito sa Pilipinas. Businessman at businesswoman sila, and they will tell you what they want to. Kaya ka nilang ipahiya sa harap ng ibang tao kapag nagkamali ka, kahit pamilya ka pa nila.

The Living DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon