Episode 6

20 3 1
                                    

Tatlong araw na lang, birthday na ni Helena. Sobrang masaya ako dahil sa wakas, nandiyan na si Jean. Tatanawin ko talaga itong utang na loob sa kanya, habambuhay. Sa ngayon, ang poproblemahin na lang namin sa ngayon ay ang turuan siyang kumilos bilang isang robot, o manika, o manikang robot.

"Salamat talaga, ah. Pumayag ka sa offer ko."

Nandito kami ngayon sa living room ng mansyon. Nakaupo kami sa pangmayaman kong sofa, magkatapat. Kaming dalawa lang. Sa totoo lang, hindi pa alam ni Rolando na pumayag na si Jean na magpanggap bilang si Barbie Angela. Mamaya ko na lang siguro sasabihin.

"Hindi naman ako pumayag dahil sa'yo."

"Kung hindi dahil sa akin, so dahil kay Helena?"

She pouted. Ang cute niya kapag ginagawa niya 'yun. Sana palagi niyang gawin 'yun.

"Hindi rin. Remember, I don't even know her. So bakit ko 'to gagawin sa kanya?"

"So bakit ka nga pumayag?"

"Dahil sa pera."

Ouch! 'Yun lang ba talaga 'yun? Bakit parang ang sakit, eh 'yun naman talaga 'yun, eh. Napayuko ako, at napasimangot.

"Biro lang. Ikaw naman. Siyempre hindi lang naman dahil sa pera no, though isa 'yun sa dahilan kasi... may sakit si mama. And I guess makakatulong 'yung perang ibabayad mo sa akin para gumaling si mama."

Napatingin ako sa kanya at nagtatakang tinanong kung may sakit nga ba ang mama niya. Pinaliwanag niya kung ano ang sakit ng mama niya. Medyo malala na ito, meron siyang maintenance, at medyo may kamahalan ito. Kinakailangan niya ring maoperahan as soon as possible.

"I will shoulder everything she needs to recover, puwera pa 'yung ibabayad ko sa'yo. 'Yan na ang reward mo, dahil sa pagpayag mo."

Ginawaran ko siya ng pamatay kong ngiti. Masaya talaga ako ngayon. Parang nawala na talaga 'yung inis ko ng ganu'n-ganu'n lang. Inikut-ikot niya ang mga mata niya bago tumingin at nagsalita sa akin.

"Nakakahiya man, pero ayoko nang magpakipot. Siyempre, mahal ko ang mama ko, at kaya kong lunukin ang hiya ko para sa kanya."

"Hanep ah. Madalas, lunukin ang pride. Sa'yo naman, lunukin ang hiya."

"Huwag ka ngang mangi-alam. Eh, sa ito ang trip ko, eh. Kanya-kanyang trip lang 'yan."

Tinaas ko 'yung dalawa kong kamay. Suko na ako. Siya na ang panalo, haha. Nakakatuwa talaga siya. Ang saya-saya ko. Noon, never ko siyang nakausap ng ganito. Pero ngayon, makakasama ko na siya sa iisang bahay ng matagal-tagal. Ang saya ko talaga. Pero teka, bumabalik na ba 'yung feelings ko para sa kanya? Haist, gumising ka nga, Harry. Mabait lang siya kasi kailangan niya ang pera mo.

"So, bakit ka nga pala pumayag sa deal?"

"Bipolar ka ba? Ang amo-amo mo kanina, tapos ngayon biglang ang sungit na naman ng aura mo. 'Yung totoo?"

"Sabihin mo na lang 'yung totoong dahilan mo!"

"Aba, huwag kang sumigaw. Hindi ganyan ang tamang pakikipag-usap sa mga babae. Ito na, sasabihin na."

Dumaretso siya ng upo at hinawi pa ang buhok niya. Ano bang ginagawa niya? Nagpapacute ba siya? Kadiri naman.

"'Yung totoo, pumayag ako kasi naramdaman ko naman kahapon na totoo 'yung mga sinabi mo. Na sincere ka. Tsaka may sakit ang mama ko, gusto ko rin makatulong sa iba pang may sakit. Kaya 'yun, pumayag na ako. Pero bakit ba kasi sobrang halaga niya para sayo? Nakapagtataka lang."

Ano ba, sasabihin ko ba sa kanya o hindi? Ay, ewan. Siguro, puwede ko namang sabihin sa kanya dahil pumayag siya na tumulong sa akin.

"Mapagkakatiwalaan ba kita?"

The Living DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon