Episode 13

8 2 1
                                    

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa status namin ng mukhang manikang babaeng mahal ko. I'm officially dating the living doll. Ngayong araw na 'to ang first monthsary namin. Nakakalungkot lang kasi kailangan niyang magtrabaho. Nakapangako kasi kami kay Helena na bibisitahin siya ni Barbie Angela. Pero ayos pa rin naman kasi kasama ko siya.

Naging napakasaya ng unang buwan ng relasyon namin ni Jean. Madalas kaming lumabas para magdate. Kapwa mas gusto namin ang casual dating. Alam niyo naman si Jean, simpleng tao lang talaga siya. Kunwari lang talaga 'yung pagiging maldita niya nu'ng high school pa kami. Kaya bihira ko lang siyang dalhin sa mamahaling restaurant.

Madalas namamasyal kami sa mall. Hindi talaga kami namimili ng kung anu-ano, hindi naman gastadora si Jean. Hindi rin siya demanding. Windows shopping lang talaga ang ginagawa namin palagi. Bihirang-bihira kaming bumuli ng kahit ano. Minsan, meron akong bibilhin sana para ibigay sa kanya, pero sasabihin niyang huwag na lang, di naman kailangan. Magagalit siya kapag nagpumilit ako. Minsan nga, kahit meron akong gustong bilhin para sa sarili ko, sasabihin niyang huwag ko nang bilhin kapag sa tingin niya di naman talaga kailangan. Natuto akong magtipid nang dahil sa kanya. She's helping me to be a better person.

Mamayang gabi pa naman 'yung punta namin sa bahay, kaya 'yun, niyaya niya kong magdate, sa wet market. Napangiwi talaga ako nu'ng niyaya niya ako. Pero ayokong tumanggi, eh. Siyempre, girlfriend ko 'yun no. So gusto ko siyang mapasaya. Tsaka sabi naman niya, gusto niyang matutunan ko 'yung mga ganu'ng bagay. At the end of the day, kapakanan ko pa rin ang iniisip niya. Simula nang makita ko ulit siya nu'ng nag-apply siya bilang personal maid ko, malaki na talaga ang pinagbago ko. Mas nagiging simpleng tao na ako, at nagugustuhan ko ito.

"Grabe, ang init talaga! Tagaktak na ang pawis ko, ilang minuto pa lang tayo dito sa wet market."

"Ano ka ba Harry, huwag mo na 'tong tawaging wet market. Nakakahiya kang kasama, eh."

Napakamot siya ng ulo habang naglalakad kami sa palengke daw. Haha. Ang arte talaga ng girlfriend ko. Pero ayos lang, mahal ko naman.

"Eh, ano palang gusto mong itawag ko dito?"

"Eh di, palengke. Alam mo, mahal naman kita. Nakakairita lang minsan 'yung pagiging sosyal mo. I'm not asking you to change, but I want you to adjust at some point. Kapag nasa public place tayo gaya nito, huwag tayong masyadong pasosyal. Pero kapag nasa five star hotel tayo, ayos lang naman maging pasosyal tayo. Kumbaga, matuto lang tayong makisama, makibagay. Ganu'n."

Napakamot siya ng ulo, napasimangot naman ako. Ang hirap naman ng pinapagawa niya. Pero gagawin ko, para lang sa kanya.

"Sige Jean, gagawin ko para sa'yo."

"Huwag puro para sa akin, pero para sa'yo din."

Tinaas ko 'yung dalawang kamay ko. "Opo, opo, gagawin ko para sa sarili ko. Happy ka na?"

Umirap siya. "Hindi. Tignan mo 'yang sarili mo, pawis na pawis ka na. Tsk. Puro kasi aircon, eh. Madalas tayong lalabas simula ngayon. Para masanay ka."

Naibaba ko na ang mga kamay ko nang kumuha siya ng bimpo mula sa bag niya, lumapit sa akin at pinunasan ang pawis sa mukha ko.

"Di uubra sa'yo ang panyo. Masyado kang pawisin. Tsk. Kainis talaga."

Binigay niya sa'kin 'yung panyo at sinabing ako na ang magpunas ng dibdib ko. Sinabi ko sa kanyang hindi na kailangan, nakakahiya at maraming tao. Pero sinamaan niya ako ng tingin kaya ginawa ko na lang.

"Oh, alam mo ba 'yang mga pagkaing 'yan? Street foods ang tawag diyan."

Umiling ako. Hindi ko naman kasi talaga alam 'yung tinuro niya. Basta may cart, tapos may lalaking nagbabantay, siya siguro 'yung vendor. Tapos ewan ko kung pagkain ba talaga ng tao 'yung mga binibenta niya. Kulay puting bilog, brown na pahaba, at orange na meron atang boiled egg sa loob. Napangiwi ako sa mga nakikita ko.

The Living DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon