Episode 9

9 2 1
                                    

Buwisit talaga ang lalaking 'to. Naiinis na talaga ako. Masyadong pilosopo. Ang bobo niya talaga. Wala akong pakialam kung si Albert pa siya o si Angelo pa siya, siya pa rin 'yun. Naturingang magaling sa larangan ng science, tapos ganyan kabobo pagdating sa ibang bagay? Sinong di maiinis sa ganu'ng tao? Tama naman ako, ah. Dahil sa kanya, nagiging prideful na naman tuloy ako. Pero, teka nga, puwede ko ba siyang sisihin na nagiging prideful ako ngayon? Eh, ang masamang magulang nga di puwedeng sisihin kung anong kinalabasang ugali ng anak nila, eh. Ah, ewan. Basta sinisisi ko siya.

Ang pangit ng nakikita ko habang nakahalukipkip ako sa di kalayuang distansya mula sa kanila. Habang nakatayo ako rito sa isang tabi, nagsisimula nang magturo 'yung mokong na si Alberto kay Jean kung paano kumilos bilang isang manikang robot. Kasalukuyan niyang itinuturo kung paano lumakad ang isang robot. Napabuga ako ng hininga.

"Kailangan ba talagang nagtatawanan habang nag-aaral? Nagbibiruan lang yata sila, eh. Kainis." bulong ko sa sarili ko. Paano, tawanan dito, tawanan doon, parang hindi naman sila seryoso sa ginagawa nila, eh.

"Basta kailangan, kapag naglalakad ka, ipagdikit mo palagi ang mga palad mo. Isa 'yan sa mga dapat mong tandaan maliban sa diretso palagi ang tingin at tayo. Hindi mo naman kailangang magmukhang stiff sobra since humanoid naman si Angela."

Barbie Angela 'yun. Wala talagang respeto itong lalaki na 'to. Kapag nagustuhan siya ni Jean, ako ang unang magugulat. Baka nga magpakamatay pa ako, eh. Teka, sinabi ko bang magpakamatay? No way! Ba't naman ako magpapakamatay para kay Jean?

Sinagad talaga ako ng mokong na 'to. Mula kasi sa likuran ni Jean, tinulungan niyang ipagdikit ang mga palad nito. Kailangan niya pa bang tulungan ito para lang pagdikitin ang palad nito? Diba, kakainis lang.

"'Yan, ganyan dapat. Kuha mo?"

Tumango naman si Jean. Nagpatuloy lang sila sa pagpractice. At dahil nainip na ako, nilapitan ko sila makalipas ang ilang sandali.

"Hoy, mukhang hindi niyo sineseryoso ang practice, ah. Two days na lang, birthday na ni Helena."

"Siniseryoso naman namin, eh." nagpout pa siya. Naiinis talaga ako sa kanya, pero ang cute niya 'pag ginagawa niya 'yun.

"Siniseryoso? Eh, tawanan lang kayo ng tawanan diyan."

"We're serious here, but not too serious. Boring ang buhay mo 'pag masyado kang seryoso. Minsan, kailangan mong tumawa, ngumiti."

"Ah, basta. You need to be more serious. Meron na lang kayong tatlong oras para magpractice. Kasama na du'n 'yung lunch. Kailangan sa inyo may time pressure, eh. Para lang magseryoso."

Parang nagulat naman sila sa sinabi ko. Nangatwiran pa silang hindi tama 'yung gusto ko. However, I insisted. Wala silang magagawa.

Dumating si Rolando. Sinabi niyang kailangan daw ako sa office. May nangyari raw kasi. According to him, my parents will kill me if I didn't go there right now.

"Okay, cancel ang practice. Kailangan kong umalis."

"Two days na lang 'yun. Puwede namang sa ibang lugar kami magpractice kung wala kang tiwalang iwan kami dito."

"It's not about that. Hindi kayo puwedeng magpractice nang wala ako. Baka mamaya, iba ang gawin niyo."

Parang may sasabihin si Jean pero hindi niya naituloy nang magsalita bigla si Rolando.

"Sige lang, ituloy niyo lang ang practice niyo, dito. At ikaw, Harry, kailangan ka na talaga nga mama mo kaya sumunod ka na sa akin."

"Aba, Harry? At inutusan mo pa ko sa dapat kong gawin? Hoy, kayo, siguraduhin niyong practice ang gagawin niyo."

The Living DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon