Episode 16

21 3 2
                                    

Naalala ko noong unang beses na nakilala ko siya. Niyaya ako ni Erich na magpunta sa playground na malapit lang sa school na pinapasukan namin. Sa totoo lang, ayokong sumama. Tinatamad kasi ako nu'ng time na 'yun. At isa pa, mga high school na kami. Pero mapilit siya kaya napakamot na lang ako sa ulo na sumama sa kanya.

Nang makarating kami sa playground, merong babaeng nakaupo sa isa sa mga duyan. Ang amo ng mukha niya, parang isang manika. At nu'ng araw din na 'yun, nagustuhan ko na siya. Malas nga lang ako, hindi niya ko gusto, at sobrang sungit pa!

Ilang beses kong gustong makasama siya, pero sobrang nahihiya kasi ako. At alam ko rin kasing may gusto sa akin si Erich, kaya para walang away, di ko na lang siya kinaibigan. Pero isang araw, hindi ako nakapagpigil at kinausap din siya sa wakas, at 'yun ang unang rejection ko.

Nang college, hindi ko na ulit nakita si Jean. Ang huling balita ko na lang sa kanya ay hindi na siya nagpatuloy ng college dahil sa kahirapan. Gusto ko siyang tulungan na makapag-aral sa college kahit sinungitan niya lang ako nang magpakilala ako sa kanya. Kahit na ayaw niya sa akin, gusto ko pa rin siya.

Promise, hindi nawala sa puso ko si Jean. Pero nagawa kong magmahal ng iba, si Erich. Dahil na rin sa gusto niya ako, niligawan ko na siya. Sinagot niya ako makalipas ang tatlong buwan na panliligaw ko. Minsan nga, pakiramdam ko hindi naman talaga ako nanligaw. Date lang ang mga ginawa namin. Wala naman akong ginawang espesyal para sa kanya. At wala pang isang buwan, naghiwalay rin kami. Sa totoo lang, hindi ko alam kung minahal ko nga ba talaga siya. Kasi nga, hindi naman nawala sa puso ko si Jean.

Marami nang nagbago sa loob ng maraming taon. Nakatapos ako ng college at nagsimula nang magtrabaho sa kompanya nila mama at papa. Si Erich, palagi pa rin akong kinukulit. Gustong makipagbalikan, pero ayoko na. Hindi ko na siya mahal, o puwede ring hindi ko naman talaga siya minahal. Hindi talaga ako sigurado sa naging feelings ko para sa kanya.

Di ko inaashang makikita ko ulit si Jean. Nag-apply siya bilang personal maid ko. Sa totoo lang, hindi ko naman kailangan ng personal maid. Trip ko lang, para may makasama sa bahay. Kaso, di ko inaasahang mag-aapply si Jean. Hindi ko siya kinuha hindi dahil sa sinungitan niya lang ako noon. Hindi ko siya kinuha kasi ayokong mahirapan ang taong mahal ko. At doon nagsimulang magkaroon ng kulay ang buhay ko.

Naging kami, nagkaproblema, nagkaayos, naging masaya sa loob ng kalahating taon, at naghiwalay.

"I don't think magwo-work ang long distance relationship. Ang layo ng pupuntahan ko. Hindi lang dito sa Pilipinas, sa Europe ako pupunta. And I can't let this opportunity pass. Gusto kong may maipagmalaki rin ako sa'yo balang araw. So I think, we need to break up."

Hinawakan ko 'yung mga kamay niya. Naluluha na ako, pero pinipigilan ko. Ayokong makita niya kong umiyak.

"Ayoko, mahal. Hindi ko kaya. Hindi naman natin kailangang maghiwalay kahit pupunta kang malayo."

Umiling-iling siya. "We have to. May tanong ako. Mahal mo ba ako?"

Tanging tango lang ang naisagot ko.

"May tiwala ka ba sa akin?"

Tumango lang ulit ako.

"Naniniwala ka ba sa destiny?" Tumango ulit ako. "Well, hindi ako naniniwala diyan. Oh, scratch that. I believe in destiny. Destiny depends upon the choices of an individual."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Hinawakan ko naman ang mga kamay niya. I will surely miss this girl of mine.

"Kahit wala na tayo, if you choose not to look at other woman, we can still be together after two years. Are you willing to be loyal even we don't have commitments?"

The Living DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon