KYLINE'S POV
After of our birthday party back to normal again. Papasok nanaman kami. Katatapos ko lang magluto ng pagkain at si vince? Ayun humahagok pa ang pwet hanggang ngayon. Two days na nga pala ang nakalipas mula nung party namin. Hindi pako nakakaligo tsaka maaga pa naman. Tumaas ako at gigisingin kona si tukmol. Pagdating ko nakadapa pa siya. Haist.
"Vince! Wake up!"
"Hey vince!"
Nagmulat naman siya at nginitian ako. Ginantihan ko rin siya ng ngiti. Ang sarap sa pakiramdam ng ganto kami. Hindi pa man kami official pero ramdam ko na parehong pareho kami ng nararamdaman. Hindi ko lubos maisip na yung long lost ultimate crush ko ay fiancee ko na ngayon.
Ang sarap sarap niyang titigan ultimo pinaka sulok ng gilid ng mata niya natitigan ko lalo na ang asul na asul niyang mata. ' I love you pero gusto ko munang may mapa tunayan ka, just wait, Heart ' Alam ko naman na kaya niyang maghintay tsaka akin na siya no one can steal him from me pwera nalang kung siya na yung humiling na lisanin ko siya pero wag naman sana dumating yun hindi ko kaya 'baka ikamatay ko, Heart '
"Good morning " he sweetly said na nakapag balik sakin. Ngumiti naman ako
"Good morning " sabi ko rin "Tumayo kana nakahanda na yung kakainin natin" sabi ko.
Umupo naman siya at nag stretching. Tatayo na bali ako ng gawaran niya ko ng halik. Pakiningshete to ah!
"Ikaw talaga! Napaka mo!" sigaw ko at hinampas siya tapos nag martsa ako palabas. Rinig ko naman ang halakhak niya. Tsk. Letse talaga yun. Inayos ko na yung pagkakainan namin pagkarating ko dito sa dinning.
Maya maya pa ay nakarinig nako ng mga yabag. Pagtingin ko sa mukha niya tangna nakangiting aso si kupal. Bwisit naka nakaw nanaman siya ng halik. Pag upo niya tumingin siya sakin dala pa rin ang ngiting nakakainis! Parang naka plaster na sa bibig niya yun. Tinaasan ko naman siya ng kilay at ipinakitang naiinis ako.
"Stop smiling like that!" Sabi ko at pinalo yung noo niya ng kutsara 'gag* ka ah'
"OUCH, sadista ka talaga!" giit niya
"Tumigil kana kasi!" sigaw ko. Putspa!
"I love how you irritatingly on me" sabi niya at biglang pisil sa pisngi ko
"Letse ka mamaya mamula pato lalo!" sabi ko at pilit inalis yung kamay niya. Mabilis kasi pumula yung pisngi ko kapag pinipisil, kahit ibang parte ng katawan ko ganun din.
"Heart when im going to start courting you?" tanong niya. Aaminin ko nagulat ako don pero nawala rin.
"Bakit? Tinanong mo na ba ko?" pagbabara ko sa kaniya habang naka taas yung kilay. Halata sa mukha niya na natauhan siya
"Oo nga no, hehe" nahihiya niyang sabi.
Tamo? Kaengotan talaga. Pero talagang nagulat ako kanina. Nagulat ako sa bagay na liligawan niya ko. Kyaaaah nakaka excite naman. Hindi ko pinapahalata na kinikilig ako mahirap na baka magbago pa isip niyan haha. Tinuon ko nalang sa pagkain ang atensyon ko.
*FASTFORWARD*
Tapos nako maligo at mag ayos. Si vince naman ay kanina pa nasa baba. Paniguradong nayayamot nayun kakahintay. Tsk. Yaan mo siya. Lumabas nako ng kwarto at pagbaba ko kaka bulsa niya lang ng phone niya. At ng maaninag ko ang mukha niya, madilim ito. Wait...
Dahil ba sakin? Dahil ba pinaghintay ko siya ng matagal? O may iba pang dahilan? Kinakabahan ako.
"Vince" tawag ko sa kaniya ng makalapit ako. Tumingin naman siya sakin at nagulat ako sa halo halong emosyon ng mga mata niya. There was guilt, sadness, hoping, and anger.
"Whats wrong?" sinikap kong hindi ipakita sa kaniya yung tunay kong nararamdaman na natatakot ako at kinakabahan pero sinikap ko ring hindi siya mahawakan..nanlalamig kasi ang mga kamay ko at nangangatal. ' oh my gosh whats this feeling? Ngayon ko lang to naranasan' sh*t.
Biglang lumambot ang ekspresiyon niya at nginitian ako ngunit ang ngiting yun ang hindi ko inaasahan na ibibigay niya sakin. Ni hindi umabot ang ngiting yun na mapapapikit ang mga mata niya. It was fake.
Pero kung ano man ang bumabagabag sa kaniya marapat siguro munang hindi ko muna itanong yun. Ramdam ko yun, hindi man sa ngayon pero meron pang ibang araw.
"Nothing " he said then walk towards the main door and went out. Sumunod nalang ako. Tahimik ang naging biyahe namin, walang umimik ni ungot wala hanggang sa marating namin ang university. Hindi ko na siya kinulit baka kasi mauwi nanaman sa away.
"Bye" maikli kong sabi bago lumabas ng kotse. Tango lang ang iginanti niya at aminin ko man sa hindi nalungkot ako sa paraan ng pagpapaalam niya sakin. Pero isinantabi ko muna 'intindihin mo siya kyline baka mamaya kapag tinanong mo nanaman siya masigawan ka'. Tahimik akong lumabas ng kotse. Inalis ko yung mga namumuong hinala sa isip ko. 'kung ano mang problema vince tell me as soon as possible ' I dont want to see you like that.
Bagsak ang balikat ko pagkarating sa room. Nahalata siguro yun ni samantha.
"Ate ky bakit?" tanong niya
"Nothing im just not in the mood " hindi kona sinabi sa kaniya yung dahilan baka humaba pa ng humaba. At makarating pa sa kanilang lahat. Knowing sam aalamin niya talaga lahat, gagawa at gagawa yan ng dahilan maitanong niya lang lahat kanggang sa masagot ang itinutumbok niyang sagot.
Haist.
*-Jiero's POV-*
Parang hindi maganda ang timpla ngayon ni vince. Tahimik lang siya at halata mo talagang ang daming iniisip. Kahit tapikin namin siya at kausapin wala lang. Parang lang kaming mga tanga. May nangyayari nanaman kayang alitan sa kanilang dalawa ni twin? Ano naman kaya yon? Pero kung sa kanilang dalawa ni twin yun paniguradong mag-o-open up samin to. Eh hindi eh. Baka personal thing? O family matters?. Haist ang hirap mag isip ng pwedeng dahilan. Wala kasi akong mabasang emosyon sa kaniya as in. Talagang sa malayo lang ang titig niya.
Ano nanaman kaya ang problema?
**-Someone's POV-**
Hahaha malapit na. Malapit na. Malapit na....
Malapit na kayong masira Kyline Sheeny Sandoval. Baka bago pako mamatay mauna na ang pagkawasak ng puso mo hahaha. Kawawang Kyline. Malapit ng mawala sayo ang dalawang taong mahal mo. Talagang umaayon sakin ang pagkakataon.
Sa isang iglap mawawala na sila sayo. Hahaha

YOU ARE READING
Mr. Trouble Maker and Ms. Taray
RomanceDalawang taong hindi inaasahan na magkakatagpo. Isang takaw gulo at isang mataray. ano kaya ang kahantungan nilang dalawa?