CHAPTER 32

6 1 0
                                    

Vincent's POV

Nailabas na ngayon sa hospital si Sheeny. Kakahatid ko lang sa kanila. Doon sila nag pahatid sa bahay nila Samantha.

Nandito ako ngayon sa bahay ni Xaira at pareho pala kaming may sasabihin sa isat isa. Ewan pero kinakabahan ako sa mangyayari.
But this time alam ko ng ang gagawin kong desisyon ay tama.

Lalong marami akong masasaktan kapag hindi ko pa to nagawan ng paraan eh. Lalong masasaktan ang mag Ina ko.

Oo gusto ko ng hindi ituloy ang kasal dahil alam kong yun ang dapat,yun ang kailangan ng anak ko syepre namin ni Sheeny. Ramdam ko sa sarili ko na siya pa rin eh.

Kaya sana .... Sana maging maayos na ang lahat......

"So babe anong sasabihin mo?"
Tanong ni Xaira pagkaupo sa couch.

"Ahm ikaw muna" Sabi ko at nginitian siya.

Nakita ko Kung paano sumilay ang pagkatamis tamis niyang ngiti at nung huli ay parang naging smirk? I don't know. Baka guni guni ko lng.

"Tomorrow is our wedding" ngiting ngiti niyang Sabi at parang hindi na magka mayaw sa tuwa habang ako?

Ni hindi malaman kung anong gagawin. Parang minartilyo ako ng marinig ko Yun. H-how come? Bakit ang bilis? Wala pang three months ah. P-paano nato? Jusqo Ang mag ina ko.

Kyline's POV

Nandito kami sa bahay nila Sam. Dito kami nagpahatid kay Vince. Bakit ganon? Sa loob ng dalawang araw na pagsasama namin parang ang tagal na non to the point na ambilis ko na naman naipalagay ang loob ko sa kaniya na Hindi ko man aminin ay namimiss ko na agad siya. Haist.

Tulog si nica at nandito kaming apat sa sala.

"So anong plano mo ky?" Tanong ni jin
"Sasabihin ko na kay nica ang totoo, Alam ko naman na gusto niya ng magka daddy ayaw niya lang sabihin sakin" Sabi ko sa kanila.
"That's right, Hindi Mo naman kasi habang buhay maitatago yan" Sabi ni Kian.

Napatingin kaming lahat sa phone ko na tumunog. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag. Lahat sila nakatitig sakin.

/Hello?/ Pagsagot ko

/Kyline it's me/ Sabi sa kabilang linya at babae ang hoses

/Who?/ Tanong ko

/ Xaira/

Mabilis akong sumakay sa kotse ng sabihin sakin ni Xaira na may kailangan daw kaming pag usapan. Iniwan ko na muna kila Sam si nica. Bumalatay agad sa mukha Nila ang gulat at pagkalita ng Hindi ko sinagot kanina ang mga tanong nila.

Pinaharurot ko ang kotse patungo sa lugar na sinend sakin ni Xaira. What's the problem of this woman? Pagkarating ko sa Restaurant bumaba agad ako sa kotse at nakita ko naman agad si Xaira nandoon siya sa pinaka gilid ngunit hindi naman sa pinaka dulo.

Lumapit ako at agad niya naman akong nakita. "Have a sit" Sabi niya so I did. Pagkaupong pagkaupo ko nagsalita agad ako.
"Anong kailangan naging pag usapan?" Tanong ko

" The truth Untold 5years ago"

Parang akong binuhusan ng isang baldeng tubig kanina sa lahat ng sinabi ni Xaira. Halos lutang na lutang ako pagkauwi. Tang*na lahat kagagawan talaga ng impokritang yun! Jusq kahit nasaan man siyang lupalop ngayon gusto ko ulit siyang patayin!!!! Kingina niyaaaa!!!
Pagkarating ko sa bahay ni Sam lahat sila nakakunot ang noo siguro nahalata nilang may problema ako.

"Ano bang nangyari sayo?" Usal ni Kian

"ky San ka galing?" Usal ni Jin

" Bakit ganiyan ang itsura mo ate ky?" Tanong pa ni Sam .

Hindi ko sila pinansin at umupo ako sa sofa. Napatingin na lamang ako sa bultong biglaang pumasok sa salas and it's him. Si Vince.

"S-Sheeny" parang nakikiusap ang boses niya siguro nalaman niya na ang desisyon ko.

"Please no...." Sabi niya pa.

"Wala na tayong dapat pag usapan. Ikakasal kana diba? So don't blame me sa Kung anong gagawin ko!" Sabi ko at tinulak siya palabas.

"Sheeny p-please gusto Kong makilala ako ng anak ko bilang ama at hindi Kung sino Lang!" Sigaw niya

"P*tangina wala akong pake! Lalong masasaktan ang anak ko kapag pinakilala parin Kita SA kaniya na may asawa kana! Alis! Umalis kana!" Sigaw ko and for the last time before he enter in his car I saw a teardrops in his cheeks . Mabilis akong tumalikod at namilisbis ang luha. Tang*na talaga.

"Ate ky ikakasal na si Vince !? Agad agad!?" Tanong ni Sam Tumingin ako sa kaniya ng may ngiti sa labi

"Yes ikakasal na kami bukas"

K•I•N•A•B•U•K•A•S•A•N

Vincent's POV

Nandito nako sa altar. Wala na talaga kong magagawa para maipaglaban ang mag Ina ko. Ngayon palang iniisip ko palng na Hindi nako makikilala ng anak ko bilang ama parang na akong pinapatay. Ang sakit sakit. Bakit ba Kasi hindi ako agad nakaisip ng paraan!?

Pinalibot ko ang tingin ko sa simbahan at ang ganda. Mas gaganda siguro to kung si Sheeny ang bride ko but no. Theres no way to turn back and run away. Ngayon ko lang talaga na-realize na Mahal na mahal ko pa rin pala siya. 'Sheeny....Heart...I'm sorry'

Si Shon ang best man at si Kianna ang brides maid. Hindi ko alam sa mag shotang to kung bakit makangiti sila ay wagas. Ganun na ba talaga ang pagka gusto nilang makasal ako Kay Xaira!? Damn it! Nag umpisa ng kumanta ang nirentahan nilang singer. The title of song is 'Beautiful in White then the doors open.

Nakita ko ng nag umpisa ng maglakad si Xaira at ako naman ay nag umpisa ng kumabog ng malakas ang aking dibdib. Ngunit napakunot ang aking noo. Mula ng maglakad si Xaira mula sa entrance ng simbahan ay nakatungo na siya. Umiiyak ba siya? Tsk may gana pa siyang umiyak ah. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng malapit na siya.

Shit! Ano ba tong feeling nato!? Nadagdagan pa yun ng nasa mismong harapan ko na siya. Nakatungo pa rin siya kaya nagsalita nako

"Xaira look at me " utos ko ngunit malamig. Then she look up at HOLY F*CK!!!!


Mr. Trouble Maker and Ms. TarayWhere stories live. Discover now