CHAPTER 31

8 1 0
                                    

Vincent's POV
Totoo ba talaga? Hindi ako makapaniwala na may anak na ko----kami. Lalong nagugulo yung isip ko ngayon. Ano bang dapat kong gawin? Ikakasal nako pero dumating yung taong naging espesyal sakin at alam kong meron paring puwang sa puso ko, at nagkaroon pa kami ng anak pero meron na akong kasintahan at ikakasal na kami. Aaaahhh p*ta Hindi kona alam kung anong gagawin ko. 'Lord help me I'm stuck with this problem'.

Mabilis akong sumakay sa kotse ko at dumeretso sa favorite kong bar. Pagkarating ko ron humanap ako ng puwesto at umorder ng maiinom ko,ito nalang talaga yung alam kong solusyon.

Uminom lang ako ng uminom hanggang sa tamaan nako

Kyline's POV
Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Pagkatingin ko sa caller si jiero pala.
/Oh jie-----/
/Ky we need you here!/
/Ano!? Bakit? Gabing gabi na jier-----/
/Hindi namin maawat si Vincent, please come here at the b**** bar./

Nagulat talaga ako sa mga pinagsasabi ni jiero. Pero nung malaman ko na may kinalaman don si Vince mabilis akong pumunta sa walk in closet at kinuha yung ripped jeans ko tapos jacket . Pagkasuot ko ng ripped jeans sinuot ko na rin yung jacket naka spagetti strap lang Kasi ako.

Kinuha ko yung phone ko pati susi ng kotse ko at mabilis na lumabas ng condo unit. Pagkarating ko sa parking lot saktong pagka receive ko ng address ng lintek na bar na yun.

Ano nanaman kayang pumasok sa kokote ng siraulong Yun at naglasing ng ganon kalala? May kinalaman Kaya yon sa nalaman niya kanina lang? Eh bakit kanina parang wala Lang sa kaniya? Haist. Mamaya na nga Lang isipin yan.

Mabilis ko ng pinaandar ang kotse ko papunta sa location ng bar na yun. Pagkarating ko mabilis akong bumaba sa kotse ko at mula rito rinig ko ang pagbasag ng bote, at sigawan sa loob. P*ta si Heart!

Pagkarating ko ron may kasuntukan si Vince. Pakshet andami niya ng sugat.

"Vince!" Sigaw ko at napatingin siya sa gawi tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya patalikod para sakin mapunta yung paparating na upuan

"Aah!!" Hiyaw ko ng tumama sa likod ko yung upuan. Mabilis akong nawalan ng balanse mabuti nalang ay nahawakan ako ng mabuti ni Vince

"Sheeny! Sheeny!" Sigaw niya at iginaya ako sa isang upuan.

Narinig kong lalong nagkagulo dahil sa nangyari sakin pero nakatutok lang ang atensyon ko kay Vince. Kahit sobrang sakit na ng likod ko at Hindi ko na maipaliwanag yung nararamdaman ko may nangingibabaw parin sakin na saya kasi nailigtas ko siya.

"Sheeny let's go!" Sigaw ni Vince habang yakap yakap ako pero pinigilan ko siya parang kanina lang lasing na lasing to ah, bakit parang nahimasmasan yata?

"V-vince" nanghihina kong sabi putangina nandidilim na paningin ko.
"Sheeny please don't speak, baka kung ano pang mangyari sayo" kita ang pag aalala sa mukha niya pati sa boses. Umiling ako at nagsalita
"A-after this, please t-take care of our daughter" pagkasbi ko non nawalan nako ng malay.

Vincent's POV

Nasa labas kami ng emergency room. Dinala namin kaagad si Sheeny rito. F*ck it bakit ba kasi sinalo niya Yun!? I hope she's fine,ang Bobo ko! Ang Bobo Bobo!

"Mommy!! Mommy!" Bigla akong napalingon sa boses na yun at nakita ko ang batang takot na takot at iyak nang iyak habang tumatalon talon at sinisilip ang kwarto ng mommy niya and it's our daughter. Mabilis akong tumayo at dinaluhan siya

"Baby " pagtawag ko bigla naman siyang tumingin at  napayakap sakin. God... Ang anak ko. For the first time nayakap ko siya ng alam kong akin siya na anak ko at walang makaka angkin na ibang ama.

Mr. Trouble Maker and Ms. TarayWhere stories live. Discover now