CHAPTER 24

30 3 0
                                    

Samantha's POV

I'm here at the Faculty room. Dismissal na kanina pa at ang mga co-teacher ko may pinagku-kwentuhan.

"Ay nakita niyo ba ang attitude ng 8-Majenta?" tanong ni Ms.Kath
"8-Majenta?" tanong ni Sir Jake at Ms. Clare
"Ay oo nakapag turo ako ng maayos kanina sa kanila at ang nakaka panibago lahat magalang na" sabi naman ni Ms. Daisy
"Talaga?" tanong pa nila
"oo" sagot ni Ms.Daisy

Oo nga tahimik na nga ang klase na yun. Nanibago ako at the same time sumaya aba! napaka bastos kaya ng klase na yun nung unang dating ko dito.

"Balita ko napaka taray ng Advicer nila" sabi ni Ms.Kath
"Ay talaga?" tanong nila
"oo,kaninang umaga first period jusko! rinig ko ang sigaw non tapos pagkatapos niya ay nag greet na ang mga bata" sabi ni Sir Carlo
"Ang galing niya" komento ng karamihan
"Anong pangalan ng Advicer ulit?" tanong nila
"Ahm... Sheen? oo Ms. Sheen nga" sabi ni Ms.Kath

Tumayo nako dito baka naghihintay na si Matt sa parking lot. Yes kami naaaa. 4 years na kami. Mula dito sa Faculty Room alam ko madadaanan ko ang classroom ng 8-Majenta, masilip nga kung sino si Ms.Sheen. Pa simple lang akong naglakad ng nandito nako sa classroom ng 8 Majenta at may nakita akong babaeng nakaupo sa harapang ng desk habang nagla-laptop.

So she's Ms. Sheen. Having a short black hair with green color at the tip, long eye lashes, tip nose gosssh almost perfect. She's so gorgeous kahit naka tagilid siya. Gusto ko sana siyang lapitan kaso tumunog yung phone ko. Kaya napatingin ako sa bag ko at kinuha yung phone ko tapos naglakad na sa ibang araw ko nalang siya kakausapin kapag vacant ko. Meron nga ba? parang wala yata.. Si Matt ang tumatawag...

/Yes hon?/-me
/where are you?/ -matt
/palabas na/ -me
/Faster hon../- Matt
/ okay kanina kapa ba?/- me
/Yup. 30 minutes ago/-matt
/shockssss okay okay I'm comming!/ then I hang up.

Mabilis akong paglabas ko ng elevator. Pagkarating sa parking lot siya namang labas ni Matt sa kotse. Hinihingal pa ako pagkarating ko tapos dinamba ko kaagad siya ng yakap.

"I miss y-you" sabi ko kahit naghahabol pako ng hangin.
"me too bakit bakit ba tumakbo ka?"
"eh naghihintay ka nga kasi eh" sabi ko at kumalas na sa yakap.
Nakita ko namang nag smirk siya. 'punyemas!'

"Kararating ko Lang "
"WHAT!?" sigaw ko at kinurot siya.
"Siraulo ka! Alam mo bang muntik pakong matapilok kanina!" sabi ko at nagta tantrums na. Bwisit talaga! Bahala siya diyan. Mabilis akong sumakay sa taxi na napara ko.
"Manong sa Crystal Village" mabilis namang pinatakbo ni manong ang taxi. Ganiyan ako, sobrang bilis magtampo at mag init Ang ulo katulad ng nakasanayan nagwo-walk out talaga ko. Ewan ko ba hindi ko pa rin nababago.

Nakatira nga pala kaming tatlo sa iisang bahay. 3 years narin kaming samasama nila ate Kian. Namimiss na namin si ate ky. Bakit ba Kasi ang aga niyang kinuha samin? Naalala ko tuloy si Ms. Sheen. Kamukhang kamukha niya si ate ky kapag naka side view promise. Kaya hindi ako matatahimik hanggat hindi ko siya nagiging friend. Pagkarating dito sa Village nagbayad nako Kay manong tapos bumaba. Makapaglakad nalang.

Habang naglalakad ako naramdaman kong parang may nau-uga sa sapatos ko at owww! sh*t!!! grrrr!!!!😬😤
Nasira yung heels ko punyemas !!! Ano ba Yan! Tiningnan ko yung sapatos ko kapag minamalas ka nga naman talaga.....
Kaya ang ending? Paltos paltos at puro sugat ang paa ko pag uwi. Patay ka talaga sakin MATTHEWWWWWWW!!!!!!!!

Kyline's POV°•

Nandito pako sa room ng napalingon ako sa may tumunog na phone and to my surprise it was Sam. Gosh! Did she recognize me? sana naman hindi. Niligpit ko na ang mga gamit ko pagkatapos ko gawin yung power point ko. Naglakad nako at sumakay sa elevator. Pagkarating ko sa parking lot sumakay agad ako sa kotse ko at pinaharurot na pauwi sa building ng condo unit ko.

Sumakay nako sa elevator at pinindot Ang 20th floor. So far so good naman ang paninirahan namin ditong mag ina wala pang nakakakilala samin eh. Pero napag isip isip ko na magpakita na kila Sam. Miss na miss ko na rin kasi sila. Ano kaya magiging reaksyon nila? matutuwa? iiyak? haist. Tsaka ko na nga lang iisipin yan. Kailangan ko ng pagtuunan ng pansin ngayon ang anak ko at ang career ko.
"Ting!"
Lumabas nako at naglakad papunta sa unit ko. Pagpasok ko ang tahimik. 'Where's My Baby? Nasaan kaya ang makulit na Yun?'

"ay ma'am nandyan na pala kayo, Si nica po ba? nasa kwarto niyo po"
"ay sige, salamat"

Dali dali akong pumunta sa kwarto namin namiss ko ang baby ko. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko siya naka higa tapos natutulog habang may yakap na panda? Haist bumili nanaman sila ni beth. Pero okay lang ang cute cute naman nung panda eh. Nilapitan ko yung anak ko at umupo sa may tabi niya.

Ang sarap niya talagang tingnan, parang yung daddy niya lang. Lalo na kapag gising siya at malaya kong natitingnan ang blue niyang mga mata, ang sarap sa pakiramdam. Pero... Nakakaawa ang anak ko kumpara sa ibang anak diyan.

Dahil sila ay buong pamilya, malayang nakakapamasyal ng samasama, malayang nakakasama ang mga magulang, at higit sa lahat nararamdaman ang tunay na pagmamahal ng daddy nila. Eh ang anak ko? Gustuhin ko mang ipaglaban ang karapatan niya bilang anak hindi ko na magagawa. Ikakasal na ang daddy niya at malamang nakalimot na yun.

Kung naging matatag kaya ako noon para ipaglaban si Vince at ang anak namin masaya kaya kami ngayon? Baka? pero walangasiguraduhan. Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako. 'Im sorry anak kasi naging mahina si mommy'

Kung titingnan ko ang kalagayan niya parang ansakit mabuhay ng may kulang. 'Im sorry anak Kasi Hindi lang dapat mommy ang kasama mo. Hindi dapat Kita tinatago eh'

"I'm sorry anak, im sorry" Sabi ko at kinisan siya.

~~~•••~~~

Vincent's POV

Two days na ang nakalipas simula nung may makilala akong bata na kamukhang kamukha ni Sheeny. Ewan ko pero namimiss ko Yung bata.

Kakauwi ko lang sa bahay ng may ma receive akong call. Pagkatingin ko sa ID caller si babe pala.

/Yes babe?/

/Hi babe, How are you?/ tanong niya
/Im fine, a bit stressed , how 'bout you ? kailan ang balik mo?/ tanong ko
/ahm hindi kasi tuloy ngayon eh/ Sabi niya tsk! lagi nalang!
/oh is that so? okay/ pero halata ang pagka disgusto ko.
/please wag kana magtampo/ sabi niya
/lagi nalang Kasi! Alam mo bang pinapaasa mo Lang kami!? " then I hang up.

Stress na nga sa trabaho dadagdag pa yang balitang Hindi Nanaman siya makakauwi. Palagi nalang kasi siya yung bukambibig ni mommy tuwing tatawag tinatanung kung kailan ang balik niya nakakarinde na.

Pumunta ako sa salas at umupo sa couch. Nandito pala ko sa condo ko. Ano bang date ngayon? ow sh*t!! Bukas na pala ang birthday nila shon at Sheeny. Takte! muntik ko nanamang makalimutan. Bibisitahin ko ang puntod niya bukas.

Ambilis ng panahon pero parang kahapon lang nangyari ang trahedya na yon. Ang sakit sakit pa rin. Hindi ko talaga alam kung ano tong nararamdaman ko. May girlfriend na ako pero may iba pa rin akong Mahal, Ikakasal na ako pero parang hindi pa rin kasi iba ang gusto kong bride.

Mahal ko rin si Xaira pero hindi talaga mawala sa pusot isip ko si Sheeny. Ayokong mawala si Xaira pero ayaw rin mawala sa pusot isip ko si Sheeny.

Mahal ko pa rin ba talaga si Sheeny? o nagi-guilty lang talaga ako kasi nawala siya ng hindi pa kami nagkaka ayos?

Haist ang gulo! nalilito ako!

Mr. Trouble Maker and Ms. TarayWhere stories live. Discover now