[Alexa]
What was that? Gusto din ako ni Niall? Like what the f*ck! Ano bang problema nila ni Liam? Mga baliw sila! Kamusta na kaya si Harry? Aish! Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko at hindi rin siya nag-rerply sa mga texts ko.
Sana okay lang siya... I should've not left him alone, baka kung anong gawin niya. Umuwi muna ko sa condo ko, oo may condo din ako malapit 'to sa opisina ko. Wala pa 'kong lakas ng loob harapin si Harry ngayon, gusto ako ng dalawang kaibigan niya? And besides, pagod ako... Baka mag-away lang kami ang daming nangyari ngayong araw.
Puro bugbugan -,- bakit ba kasi ako nasuong sa ganitong sitwasyon ng buhay ko? My life was fine and sort of... Perfect. Pero nang dumating si Harry sa buhay ko, everything went... Troubled. Pero hindi sa sinisisi ko si Harry, what am I here for? Geez, revenge! Revenge! Kaya ba nag-kakaganito kasi ang gusto ko lang ang makapag-higanti?
Pero these days, ayos na kami e... I actually forgot about my revenge thing. G-gusto ko nga yata talaga si Harry... Sign na ba 'to? Should I give Harry chance? Should I give us a chance? Man! Ang hirap, he's the reason of my sister's early death. Natigil ang pag-iisip ko nang biglang mag-ring ang phone ko, mommy ni Harry tumatawag.
“Hello, Tita?” Parang bigla akong kinabahan ah...
“A-Alexa? Where are you?” Dumoble ang kaba nang marinig ko ang garalgal na boses ni Tita Hilda.
“Nasa condo ko po... Why Tita?” Iyong kabog ng dibdib ko hindi nawawala.
“We're on the hospital. Si Harry... Na-aksidente siya...” Gusto kong mahimatay sa narinig ko but I still managed to ask kung nasa'ng ospital sila.
Damn, Harry naman e... Sorry, sorry, Love. Nagmamadali akong pumunta sa ospital na sinabi ni Tita Hilda, naabutan ko naman siya do'n ng umiiyak kasama si Tito Perry. I kissed them on their cheeks at hinug si Tita Hilda.
“Don't worry, Tita... He's going to be alright!” Pag-aalo ko, but the truth is ako din yata kailangan ng pag-aalo. Harry naman e! Bakit mo ba 'ko pinapakaba ng ganito? Pwede mo naman akong pakabahin in different way like, pakiligin na lang. 'Wag ganito oh. “Ano po bang sabi ng doktor?”
“Harry's stable, ang Tita Hilda mo naman kasi e, ang kulit... Alam naman niyang masamang damo ang anak niya at 'di basta-basta susuko lang e.” Tito Perry, alam ko po nilalakasan niyo lang loob niyo, but I'm glad hearing that Harry's stable. “But... He's in coma... Maybe three days or four magigising din daw siya, the doctor said emotionally stressed daw si Harry kaya iyon ang naging dahilan ng pagka-coma niya.” Okay na sana e, nagdugtong lang si Tito Perry ng gano'n. Emotionally stressed, damn... I'm so sorry, baby. I'm really sorry.
“Hija, pwede bang ikaw muna ang mag-bantay kay Harry? Kukuha lang kami ng mga gamit niya sa condo...” Naiiyak pa na sabi ni Tita, tumango ako. Umalis na ang mag-asawa, pumasok na 'ko sa room ni Harry.
Gusto kong maiyak, akala ko komo't stable ayos lang 'din iyong lagay ng katawan niya... Ang dami niyang bandages all over, sa'n naman kaya siya bumangga? I kissed his cheeks. Kawawa naman siya, seeing him in that situation makes me wanna punch myself, kasalanan ko 'to eh.
“Harry, gising na... Malapit na engagement party natin e... *sob* baby, 'wag mo kong indianin. 'Wag gano'n *sob*. I trust you, I know... Gigising ka din agad, Baby,” I can't help it, talagang naiiyak ako, stable naman na siya, pero pa'no kung... Hindi! Stable na nga siya!
4 days na... And Harry's still sleeping :( and sabi ng doktor mukhang matatagalan pa si Harry. Pinauwi muna ako ni Tita Hilda at Tito Perry, para naman daw makapag-pahinga muna ako. Ayokong umuwi kasi, baka biglang magising si Harry, pero pinilit lang ako ni Tita and Tito. Ilang araw na din kasi akong walang tulog at walang ganang kumain. Nami-miss ko iyong sinigang ni Harry...

BINABASA MO ANG
My Stupid Revenge [HarryStyles FF]
FanfictionMaking his life miserable was my plan, but my heart did the otherwise, and I'm stucked and trapped under his magical spell.