a/n: ito nah ^__^ di na ako makapaghintay!!
***
Kent POV
"Saan tayo pupunta?"
"Hindi ko alam?" sagot niya
eh? sinasama ako pero hindi niya alam? ? Bakit kaya? Pero okay lang basta ba't siya ang kasama ko kahit na magunaw pa ang mundo .. ^_^ ang corny!
"Ikaw saan mo gustong pumunta?" tanong niya sa akin..
"Hindi ko rin alam" syempre, nabigla ako kanina nu kaya hindi ko pinaplanuhan to.
"hmmmm.... saan kaya tayo pwedeng pumunta?? " sabi niya na parang nag-iisip dahil nakatingin siya sa taas.. Ang cute ^_^
"kung makapag-isip ka naman jan parang wala tayong clase ah" pansin ko lang, hindi na ako nauutal pag kausap siya.. AYOS! achievements TOOOOO ^___^
"mag cu-cutting classes tayo!" sya
"What?! i mean Bakit? " tanong ko ulit
"ikaw naman, para ka namang ngayon lang cucutting ah. Kung maka react WAGAS!"
"SORRY.. pero seryoso, hindi ko lang talaga lubos maisip na ang isang katulad mo ay gagawa rin pala nang ganitong bagay ^_^" paliwanag ko sa kanya.
"actually, ngayon ko lang to gagawin.. hahahahha?" sabi nya sabay tawa, biglang sumeryoso yung mukha niya. Parang ang lungkot niyang tignan. May problema ba siya?
"hmm.. parang alam ko na kung saan tayo pupunta" sabi ko na agad namang nagliwanag ang mukha niya. I hope starting this day, Ako na ang lalapitan mo Jessy kahit na isang sandalan lang ako sa mga problema mo.
"so tayo nah?"
"ok"
papunta pa lang kami nang parking lot at napag-isip-isip ko kung kaninong sasakyan ang gagamitin namin. I mean, okay lang sa akin na ipag drive sya pero ewan ko sa kanya kung papayag sya don.
"okay lang ba kung sasakyan mo ang gagamitin natin? Para na rin makatipid ako sa gas .. hahahha" sabi niya sabay tawa. Okay, nawala ang iniisip ko kanina dahil nasagot na niya.
"ahh..oo nga , kuripot ka pala. hahahhah" tawa ko rin sa kanya at sinamaan nya ako ng tingin. T__T.. bakit pag sya ang tumawa okay lang sa akin? bakit ako hindi??? BAKIT???
"mag drive ka na nga lang" sabi niya. nauna pa siyang pumasok sa kotse ko.. okay... love ko eh, kaya okay lang ^__^
"saan mo gustong pumunta? " tanong ko.
"sabi mo kanina alam mo na"
"ayy, oo nga no? heheheh" bakit pagdating sa kanya na bobobo ako? Ganito ba talaga pag inlove? Sabi nga nila "The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the HEART" ... kaya pala nabobo na ako dahil hindi na ako gumamit nang utak, lakas nang tama ko sa puso TEHH .. -_- Aii.. fuuttaahh !! Ang corny!!
simula non wala nang nagsalita sa amin. ako focus lang sa pagdadrive at si Jhessy nakatingin lang sa bintana at parang ang lalim nang iniisip.
"were here!" sabi ko at pinark ko ang kotse sa may bakanteng lote.
"perya?" tanong niya sa akin na hindi ko maintindihan ang expression nang mukha niya. Hindi niya siguro nagustuhan ang place. "Wowww!! Hindi ko akalain na dito mo ako dadalhin ^___^ " mali pala ako, nagustuhan pala niya , ay hindi, sobrang nagustuhan niya kaya ngayon nakayakap siya sa akin. Ang init na nang mukha ko. Siguro lahat nang dugo ko pumunta sa mukha ko. Okay! ang bading ko na ^_^ pero masaya ako eh.