Mark POV
"may i have your number?!" hala siya?? nanghingi nang number sa kin??? totoo?? di nga! Aist
"h-ha! su-sure!" agad ko namang kinuha ang cp ko. Aba chance ko na to nuh! Pero kinakabahan parin ako. Ang awkward ng atmosphere..
" t-thanks!" sabi nya.
" paki-save nalang nang number mo jan sa cp ko" at sabay abot nang cp ko sa kanya. Nagtaka naman siya sa ginawa ko. Hindi naman niya gets? "i mean i'm the boy here so i'll be the one to text you first." sabay kamot nang ulo ko
"ahh he-hehe" napakamot nalang din siya. Siguro nahihiya to. Salamat naman at na gets nya agad ang punto ko. Diba tama naman ang ginawa ko? Diba? Hindi magandang tingnan sa isang babae na manghingi nang number nang lalake. Nakaka turn off yun' pero si Yendy to eh kaya ok lang. Hehehe
**
Jessy POV
"hoy! babae?! Anung problema mo?!" Aist! kakaembyerna naman nang boses ng bakla na to. Oo! nandito nga ako sa office ni prof Vaney' la lang type ko lang pumunta.
"wala" maikling sagot ko
"anong wala?! eh kanina kapa dyan nakasimangot?!!" hah?? ako nakasimangot? di kaya!
"di kaya!" pss! tong baklang talaga to napakatsismosa! Ang sabihin nya makikitsismis lang siya sa part nang buhay ko. Nako baka maisipan pa niya na isulat at ipadala sa MMK at ayun! sikat na ako. heehe. Pambihirang imagination naman yan!
"sige na kwento ka na bilis!" hindi parin talaga to tapos?
"wala nga! di maka intindi?? prof ka pa naman!" sabi ko
"eh? sige na nga wag na!"at salamat naman tumahimik na rin siya. "pero di ba sabi ko sayo magkaibigan tayo pagdating dito? Akala ko pa naman." nandito pa pala! =__= at nangungunsinsya pa! Talaga naman yung totoo?? kung hindi lang bawal manapak nang prof kanina ko pa ginawa! May good manners pa kaya ako no!
"hindi ka ba makaintindi o hindi mo maintindihan?! " ilang ulit ko kaya sabihin sa kanya na wala nga! At ano naman ang ikukwento ko sa kanya eh wala ngang nangyari sa akin di ba? Wala nga ba? Wala nga!
"parihas lang yun eh -_-" sagot naman nya
"tsk! hayy.. magkukwento naman ako sayo kung meron man di ba'? Pero wala talaga eh.."hindi ko rin matiis ang baklang to eh no .?
"pero bakit ka nakasimangot kanina?" nakasimangot ba talaga ako? Hindi ko pansin. Ewan!
"bad mood?" sagot ko nalang.
"tsk! oh sige na nga! convinced na te!Hindi ko na aalamin kung sinong nagpapa bad mood sayo"
" tayo na?! may clase ka pa sa amin! time na.Puro ka kasi tsismis eh" prof ba talaga to? Ang studyante pa nya ang umapura sa kanya.
"ayy sorry naman! Hindi ako makakapasok sa clase ko nga-"
"at bakit?!" putol ko sa kanya! Hahah galit na to . Ayaw nya kasing pinuputol ang sasabihin nya pag nagsasalita pa sya. Kaya kayo "caviat!" (beware) ^_^
"patapusin mo muna kaya ako no?!" oh see?
"okay!"
"pinapunta ako nang chancellor sa office nya. May ipapagawa sya sakin. Kaya ikaw may ipapagawa din ako sayo! "no comment' manahimik nalang ako kaysa masigawan pa ako ulit.
---
papunta na akong classroom pagkatapos eexplain sa akin ni prof Vaney ang gagawin ko. Magtatanong kayo kung ano ang ipinapagawa nya sakin? well, malalaman nyo rin mamaya.
lakad
lakad
"no kaba ok lang yun noh! hahaha"
"kaw talaga! ang sama mo. Hahah"
sina Mark at Yendy pala. Papasok na rin sila nang room. Close na sila agad'? at ang saya pa nila ah! Ano kaya pinag-uusapan nila? hoy! Jessy?kailan ka pa naging curious sa usapan nang iba?" hayy.. oo nah! aamin nah! crush ko si Mark ! At hanggang crush lang yon. Sana hanggang crush lang talaga to.
"good morning class!" hahaha! nandito na pala ako sa room namin Ang ingay naman pala nang mga classmates ko. Alam ko na ngayon kung bakit palaging galit ang mga prof namin dahil sa ingay siguro'?
"akala namin si prof Vaney na! hahah" si Kristine! isa sa mga classmates ko.
nandito lang naman ako sa harapan kung saan ang mga prof nakapwesto. Feel na feel ko nga eh! Ayos may future! Hahaha. Tika? paano ko sisimulan to? first time ko pa naman . Helppp!!
"coz! ano pang tinatayo tayo mo dyan?! li ka nga dito!" grave naman makasigaw tong bestfriend couzin ko.
"ahemm! hai class! i'm Jessy Nicole Var-"
"ano?! magpapakilala ka?! first day or transferee lang coz?? Tsaka hello? we already know you ka-Aray naman anu ba!!" Trish ulit.
"eh? kung patapusin mo muna kaya yang pinsan mo!" hahahah. si Jonah lang naman yan. May pagka bruhilda pala tong tinatago. Hehehe :P
"ahemm! sabi ni prof Vaney 'hindi sya makakapasok ngayong araw kaya inutu-"
"yehey! vacant nat-Aray! Nakakadalawa kana ha!!" si Trish ulit at yun sinapak lang naman sya ulit ni Jonah. Panu ako makakatapos nito.?
"hinay-hinay naman Jonah nasasaktan ang Trish ko." abah tong si Anthony kailan pa naging kanya si Trish?
" ayooon! dumadamoves kana naman pre! hahah" sino pa nga ba yan? ang ultimate enemy ni Anthony sa barkada ? Si Dexter!
"gagu!"
hayy! pag papansinin ko pa sila hindi ako makakatapos nito. Mabuti pang umpisahan ko na ang pagsulat. Oo ! inutusan lang naman ako ng baklang yun na pagsusulatin nya ako sa board ng sandamakmak na topics for the next meeting. Di joke lang! Asa naman kayo na marami talaga. 1 page lang ang kaya ko.
sulat...
sulat...
sulat...
"hoy! coz ano yang ginagawa mo?!" Sino pa nga ba yan?
"nagsusulat?" hay! sorry coz hindi na muna kita sasabayan sa kagagahan mo today. Busy ang life ko.
"alam ko pero para san nga yan?! di ba vacant natin dahil wala nga si Prof Vaney?!" napahinto ako sa pagsulat. Kailangan ko ba talagang eexplain pa sa kanya? Humarap ako at..
"yan sana ang eexplain ko kanina pa eh pero dahil sa kagagahan mo hindi ko matuloy tuloy!" napasigaw na ako nyan! Kakabwisit lang kasi ang slow nya!
"eh?"
"tsk! ako ang maging prof nyo ngayon dahil inutusan ako ni prof Vaney." huminto muna ako at tiningnan ang mga classmates ko. Lahat sila nakatingin lang sakin maliban sa isa at alam nyo na yun kung sino. Si Mark' tiningnan ko kung sino yung tinitingnan nya and 'ouch!' si Yendy pala. May gusto na ba siya dito? Kung ganun hindi na mahirapan pa si Mark sa panliligaw dahil may gusto rin si Yendy sa kanya. Hayy!
"eheem!" ha! san na ba ako? sino yun? Ah si Kent. Agad ko naman kinuha ang kaluluwa ko dahil nawala sa katawan ko. Joke lang .
iling-iling..
" tulala ka naman coz! bakit?" hah!? ako tulala?
"hah? di nga! ano..hmp ano ? sumulat nalang kayo at wag kayong maingay dahil ang hindi sumunod sa kin papupuntahin ko kay Prof at sya na bahala sa inyo." hooh! kinabahan ako dun ah! tumalikod nalang ako at pinagpatuloy ang ginawa ko kanina. Graveh! nakatulala ba kaya ako? hindi ko pansin eh. Nakita kaya nya? hindi! hindi dapat dahil nakatingin naman sya kay Yendy di ba' '? Yun na nga eh kay Yendy sya nakatingin. -_-
**
A/N: sensya na talaga guyz kung hindi ako active mag UD . Medyo busy lang talaga. hehehe ^_^v
**