Chapter 13:**Jealous

33 1 0
                                    

Mark POV

naglakad-lakad muna ako sa buong campus dahil hindi pa nag-start yung clase namin. Napaaga ako ngayon dahil hinatid ko pa ang little princess ko which is yung bunsong kapatid ko. Nadala ako nang mga paa ko dito sa likod nang library which is may garden pala dito at ngayon ko pa to alam at nakita. Ang fresh nang hangin dito at walang studyante ngayon dito na pumunta, ang aga pa kasi eh.

napatingin ako sa bandang kaliwa nang may narinig akong kaluskos. Medyo maraming halaman ang nakatanim dun kaya medyo hindi mo makita kung may tao man roon.

and the next thing happen is I saw her unexpected. Hindi ko akalain na makikita ko sya dito. Namimiss ko na sya at feeling ko iniiwasan na nya ako. Ayaw ko naman na masira ang friendship namin.

Tumingin sya sa banda kung saan ako nakatayo at nabigla ko yata sya dahil katulad ko hindi nya rin ineexpect na makita ako dito.

"oh hey! andyan ka pala" pagkasabi nya nun umiwas na sya nang tingin sa akin at ibinalik nya yun kung saan dati syang nakatingin.

"oo eh. Ikaw? bakit ka rin nandito?" tanong ko sa kanya

"favorite place ko to sa buong campus.ikaw?"

"naglakad lakad lang ako at dito ako dinala nang mga paa ko." sagot ko

hindi na sya nagsalita. Ang dami ko sanang gustong sabihin sa kanya lalong -lalo na about sa amin ni Yendy pero mukhang malabo yun dahil simula nung nakausap ko sya sa likod nang gym kung saan nag confess ako sa kanya na gusto ko si Yendy ay iniiwasan na nya ako. Akala ko pa naman na matutuwa sya. Okay na kami ni Yendy ngayon at hindi na namin eniopen yung topic kung saan nanghingi ako sa kanya nang number ni Jessy. Gusto ko na talaga si Yendy at liligawan ko sya.

"sy?"

"hmm?"

"may problema ba?" tanong ko sa kanya na agad naman syang tumingin sa akin. Agad naman nya yung binawi at sumagot nang

"wala"

"okay..hmm bakit mo ako iniiwasan?"

"hindi kita iniiwasan." yun lang ang sagot nya at tumayo na sya "pupunta na ako nang room. Okay lang ba kung mauna na ako sayo?"  pagkasabi nya nun sa akin agad din akong tumayo

"sabay na tayo"  sabi ko at nagkibit-balikat lang si Jessy. Nauna na syang lumakad at nakasunod naman ako sa kanya. Ewan ko ba, parang nagi-guilty ako sa sitwasyon. Bakit kaya nagkaganito si Jessy.

Naglakad kami ng walang imikan at ni isa walang nagsasalita sa amin. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon lalo na si Jessy ang kasama ko at alam ko madaldal sya. pero ngayon mukhang malabo na makausap ko sya.

nakarating kami sa classroom at pansin kong marami nang tao dito.

nakaupo ako sa dati kung pwesto sa likuran mismo. si Jessy nandun din sa kanyang pwesto. kitang-kita ko silang lahat pero wala pa sina Anthony. Saan na kaya ang mga gagong yun, Baka late na naman sila.

"hey Mark!"  agad akong napalingon sa tumawag sa akin at doon ko nakita ang babaeng gusto ko. Si Yendy. Kumakaway sya at lumakad sya palapit sa akin.

"hey!" sabi ko sa kanya nang makalapit na sya sa akin.

"ang aga mo yata ngayon"

"hinatid ko kasi si Lily" sagot ko

"who's Lily btw?" napansin kong nakakunot ang noo ni Yendy. Hindi nya pa pala alam na may bunsong kapatid ako.

"younger sister ko"  sagot ko at pagkatapos non ngumiti sya sakin.

Why do i still love you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon