#6 °WALANG LABEL°

297 8 0
                                    

Ayoko ng patagalin pa
Sana simula pa lang ay tinapos ko na
Koneksyon nating dati'y masaya
Ngunit ngayon ay nagkalamat na

Ilang beses kitang pinagbigyan
Kahit pa ako ay nasasaktan
Ilang beses na rin kitang pinaglaban
Kahit gusto pa kitang iwan

Napakahirap ng ating sitwasyon
Di natin alam kung saan tayo hahantong
Mga sumpaan nating dalawa
Na ngayo'y alaala na lang pala

Ako din ay sobrang nahihirapan na
Kailangan nating itigil na dalawa
Nang tayo ay maging malaya na
Para ang isa't isa ay sumaya

Tula Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon