#23 °GUSTO NA KITA°

160 3 0
                                    

Sa mga ngiti sa labi mo ako'y napapatigil
Tila isang anghel ang nakita na nakapukaw sa aking damdamin
Bawat kilos mo'y lagi akong napapatingin
Hindi ko alam pero pag andiyan ka'y para akong lutang sa hangin

Hindi maintindihan ang sarili kung bakit saya ang sa aki'y dating
Lalo na kapag lumalapit ka't nagtatanong sa akin
Kapag nagtama ang mata nati'y parang may kuryenteng dumadaloy sa akin
Mga uod ko sa tiyan ay tila nagtatambling

Sa tuwing may iba kang kausap ay para akong tangang nakatingin
Inaantay ang bawat reaksiyon mo sa lahat ng kanyang sasabihin
Nakakaramdam din ng inis pag ngiti mo sa kanya'y labis na matamis

Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang puso kong nagtatangis
Tila ako'y nakakaramdam ng selos at sobrang inis
Bigla kong nakita ang reyalidad sa aking sarili
na GUSTO NA KITA at dati pa pala
Ay mali, MAHAL NA PALA KITA noon pa

Tula Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon