Hindi mo ba namimiss ang dating tayo
Na kahit may problema basta magkasama ay masaya
Kahit minsan ay nag aaway na
Pero umiintindi ang isaYung mga panahong kasama ka sa lahat
Na kahit walang pera, tayo pa rin ay nagkikita
Sa simpleng kwek-kwek at fishball ay natutuwa na
Basta nagkikita para lang sa isa't isaMga pagtatalo natin na minsa'y sobra na
Halos malapit ng tumungo sa mapait na hiwalayan
Pero kahit ganun ay lagi namang nasosolusyonan
Dahil sa pagmamahal nating wagas at tunayNgunit lahat ng iyon ay alaala na lang
Yung akala mong pang habang buhay may dulo pala
Yung akala mong happy ending
Ay biglang wala na
BINABASA MO ANG
Tula Ng Pag-ibig
PoetryPara ito sa mga taong napaglaruan ng tadhana. Mga taong naloko, napaasa, nasaktan, pinagpalit, na-friendzone, ghinost at nagsawa. Kung isa ka sa mga yon, may tula dito na akma sa feelings mo.