#32 Pagsuko

21 0 0
                                    

Mahal kita, pero tama na
Masakit man sa una, ngunit pipilitin na lang na maging masaya
Mga alaalang hanggang doon na lang, at hindi na madudugtungan pa
Hindi ko akalain na darating tayo sa puntong to kung saan paghihiwalay na lang ang natitirang solusyon para makalayo sa mahirap na sitwasyon

Mahal, patawad napagod ako
Napagod ako sa lahat ng pinapadama mo
Lagi na lang akong naghahanap ng atensyon at oras na pinagkakait mo
Pasensiya na at sumuko ako
Hindi ko na kasi alam kung saan na patungo ang kwentong to
Kaya ako na ang tumapos dahil walang happy ending ang alam kong dulo na inumpisahan mo

Sana maging masaya ka, kahit masakit at mahirap wag kang mag alala dahil pag lumaon makakahanap ka din ng iba
Iba na sana mabigyan mo na ng oras at atensyon mo na sana mahalin mo ang susunod na magmamahal sayo ng totoo
Paalam mahal ko, hinding hindi na ako mangungulit pa sayo
Mag iingat ka, minamahal pa rin kita kahit ako'y sumuko na

Tula Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon