Sa bawat araw na lumilipas
Lagi ka na lang walang oras
Hindi ko alam kung bakit ka ganyan
O sadyang ako'y ayaw lang pagtuunanNasasaktan ako sa tuwing nababalewala mo
Bakit ba kasi ikaw pa ang napili ng pusong ito
Gusto ko man baguhin ang nadarama
Ngunit ayaw sumang-ayon ng puso kong tangaUnti-unti na kong nawawalan ng pag-asa
Na hanggang sa dulo ay tayo pa
Dahil parang di ko na kinakaya
Ang mga pambabalewala mong lagi kong nadaramaKaya mahal ko ako'y magpapaalam na
Pasensiya na at ako ay aayaw na
Hindi naman sa hindi na kita mahal
Pero sa katotohanang ako ay pagod na
BINABASA MO ANG
Tula Ng Pag-ibig
PoesiaPara ito sa mga taong napaglaruan ng tadhana. Mga taong naloko, napaasa, nasaktan, pinagpalit, na-friendzone, ghinost at nagsawa. Kung isa ka sa mga yon, may tula dito na akma sa feelings mo.