Hindi na ako yung taong kukumustahin mo
Dahil may iba ng pumalit sa pwesto koHindi na ako yung taong papatawanin mo
Dahil siya na ngayon ang nagpapasaya sayoHindi na ako yung taong kasama mo sa lahat ng pagsubok na dinaranas mo
Dahil meron ng SIYA na laging andiyan para sayoHindi na ako yung taong isang tawag mo lang ay pupunta na
Dahil ngayon ay siya na ang kailangan mo at hindi akoHindi na ako yung taong magpapatahan sayo pag umiiyak ka na
Dahil siya na ang sandalan mo kapag pumatak na ang mga luha moHindi na ako yung taong mamahalin mo ng sobra
Dahil alam ko ngayon na sa kanya ka na masaya at mahal na mahal mo na siya
BINABASA MO ANG
Tula Ng Pag-ibig
PoetryPara ito sa mga taong napaglaruan ng tadhana. Mga taong naloko, napaasa, nasaktan, pinagpalit, na-friendzone, ghinost at nagsawa. Kung isa ka sa mga yon, may tula dito na akma sa feelings mo.