Malayo ka, malayo din ako
Pero sana hindi ito maging dahilan para tayo ay sumuko
Mahirap man ang sitwasyon
Ngunit marami namang solusyonKahit ba minsa'y nahihirapan
Pero patuloy pa ring lumalaban
Sana'y kumapit ka lang
Kahit marami tayong pinagdaraananHindi man ako perpektong tao para sayo
Kaya naman kitang mahalin ng solo
Hindi man tayo lagi nagkikita
Pero dito sa puso ko ika'y nag iisaLahat ng sakripisyo natin sa darating
Na araw ay may patutunguhan din
Kaya mahal, tiwala lang
Malalagpasan din natin yan
BINABASA MO ANG
Tula Ng Pag-ibig
PoesíaPara ito sa mga taong napaglaruan ng tadhana. Mga taong naloko, napaasa, nasaktan, pinagpalit, na-friendzone, ghinost at nagsawa. Kung isa ka sa mga yon, may tula dito na akma sa feelings mo.