#29°Pagitan°

30 1 0
                                    

Heto na naman tayo
Lagi ngang magkasama
Pero habang tumatagal ay lumalamig na
Relasyon nating dati naman ay masaya
Ngunit ngayo'y tila malungkot na

Sinubukan kong ayusin ito
Pero di mo na pala gusto
Akala ko sa dulo lalaban ka pa
Ngunit bakit ngayo'y parang sumusuko ka na

Hindi ka naman ganiyan nung tayo'y nag umpisa
Masaya ka pa nga pag ako'y palapit na
Mga yakap at halik na dati ay sabik
Ngayo'y tila nandidiri na kapag ako ay dumidikit

Mahal kaya mo pa ba?
Bakit sa tingin ko ay sawa ka na
Pagod ka na ba ?
Kaya lumalayo na ang loob mo talaga

Bakit tila malayo na ang pagitan natin sa isa't isa
Kahit tayo'y magkalapit pa
Bakit tila nagbago ka na
Meron na bang iba?

Tula Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon