#24 °Rebound°

112 1 0
                                    


Simula pa nung una mahal na kita
Hindi ko mawari kung totoo
Pero ito nga ang siģaw ng puso ko
Ngunit nalaman kong may nagmamay-ari pala sa puso mo

Kaya heto ako naghihintay,nangangarap na sana ako na lang ang siyang nauna
Na sana ako na lang siya

Lumipas ang mga araw naging magkaibigan tayong dalawa
Sobrang saya, pero nakakalungkot pag nagdradrama ka na tungkol sa kanya

Sobrang nasasaktan ako lalo na sa kwinekwento mo na pagloko niya sayo
Palihim ko na lang na sinasabing kung ako sayo ako na lang mahalin mo

Lumipas ang ilang buwan kayo'y naghiwalay sinukuan mo siya dahil sa ika'y pagod na
Di mo alam kung gaano ako kasaya ng marinig ko ang litanya mo
Pero dahil nasasaktan ka pa di ko na lang pinahalata

Isang araw niligawan mo ko at walang atubiling nagsabi ako ng OO
Oo dahil mahal na kita at matagal na
Sobrang saya ko lalo na pag magkasama tayo

Pero unti unti kong napapansin ang walang siglang mga ngiti mo
Akala ko hindi ito totoo
Pero nung ika'y umamin mundo ko'y biglang gumuho

Di mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha
Dahil alam kong nung una palang tama na ang aking hinala
Na sana hindi na lang ako tumaya
Dahil alam kong sa puso mo'y siya pa rin talaga


Tula Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon