Eto na naman tayo walang sawang nag aaway
Na para bang hindi napapagod kahit paulit ulit na lang
Batuhan ng masasakit na salita ay lagi ng ginagawa
Para na nga itong isang siklo na di matapos taposPag natapakan ang pride ng isa simula na naman ng ilang oras na digmaan nating dalawa
Lagi na ba talagang ganito ang dating masayang tayo?
Bakit nga ba humantong tayo dito, dahil ba sa nag iiba na tayo?
O meron ng ibang nagpapatibok ng puso moNagkakasawaan na hanggang bumitaw na lang yung isa
Na bigla biglang iiwan ka na lang niya
Hindi mo alam kung bakit pero tila wala na talagang pag asa
Na baguhin at ibalik sa dating masaya ang relasyon nating may lamat na
BINABASA MO ANG
Tula Ng Pag-ibig
Thơ caPara ito sa mga taong napaglaruan ng tadhana. Mga taong naloko, napaasa, nasaktan, pinagpalit, na-friendzone, ghinost at nagsawa. Kung isa ka sa mga yon, may tula dito na akma sa feelings mo.