#18 °ENDING°

143 2 0
                                    

Masaya sa una, malungkot pag tapos na
Isang siklo na paulit-ulit
Nakakasawa at nakakainis
Hindi alam kung bakit pero laging nauulit ulit

Katapusan, isang masakit na salita
Na kahit sino'y mapapatulala
Sa ere at maghihintay na lang ng himala
Na hahantong din pala sa pagluha

Mahirap harapin ang katapusan
Ng hindi handa lalo na kung mahal mo pa siya
Dahil sa dulo, ikaw ang talo
At wala kang ibang gagawin kundi tanggapin ang totoo

Masakit sa umpisa pero masasanay ka na
Magiging okay ka na
Ngunit oras ang kalaban mo
Upang tuluyan siya mapalaya ng puso mo

Tula Ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon