*Ako pala si Jude Paolo or kilala sa palayaw na JP. Panganay sa dalawang magkakapatid. Naninirahan ako sa isang nayon na kung saan napakaayos naman ng aking pamumuhay. Ito na ang naging kapalaran ko ng mapadpad ako sa nayon na ito. Sabi ng nanay ko ay natagpuan nalang daw ako ni tatay na palutang-lutang sa gitna ng laot na walang malay at hawak-hawak ko ang isang bote na may lamang papel.*
*Pero ni isa wala akong maalala sa mga pangyayari. Sa tuwing pilit kong iniisip ang mga sinabi nila at kung anu bah talaga ang nangyari sakin ay tila bah parang mabibiak sa sakit ang ulo ko. Pero okay na yun kung anu man ang aking nakaraan nakaraan na yun ehh. Ang mahalaga sakin ay ang sa ngayon at ang aking hinaharap.*
*May nakababata akong kapatid. Pangalan niya ay Anna. Magpipitong taong gulang palang si Anna. Madalas naman kaming gumala ni Anna pumupunta kami sa bayan at nagsisimba. Tuwing pumupunta ako sa simbahan nayon ay lalong sumasakit ang ulo ko at di ko alam.*
*Si nanay ay isang trabahante sa isang resort at si tatay naman ay mangingisda lang. Siya ang nakakita sakin nung mga oras na iyon. Napakabait nila sa akin kung kaya't sinusuklian ko naman ito ng kabaitan din. Mula nung pagkakita nila sa akin hanggang ngayon. Siya nga pala sabi ni Nanay magdadalawang taon na raw ang nakalipas ng matagpuan nila akong palutang-lutang sa gitna ng laot.*
----------- ******** -----------
"You never begin a new life. It's a mistake to think that you end one part of your life and start another as if there's no continuity. "
-Rudy Giuliani
BINABASA MO ANG
BOOK 2: MY ENEMY MY LOVER (BoyXBoy) - [ Completed ]
General FictionIsang ordinaryong binata lamang si Jude Paolo na may maraming papel na ginagampanan sa buhay. Iba't ibang pagsubok ang kinaharap niya mula pagakabata siya. Pero isa sa pinakamahirap na pagsubok na kinakaharap niya ang ang pagkawala ng kanyang memory...