*Dahil sa kanya na ito ay di ko mapigiling tumulo na naman ang luha ko. Dahil na siguro sa magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman ko. Pero sa wakas ang nakita ko na ulit ang isang taong minahal ko ng lubos sobra pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para hanapin talaga siya. Alam ko magkikita pa kami. Pero sa susunod naming pagkikita susubukan kung ipa-alala sa kanya ang lahat. Sana nalalapit na ang pangalawang pagkakataon na iyon na makita at masulyapan ko na naman ang napakaganda at matamis niyang mga ngiti.*
[ Narrator's (POV) ]
*Labis na ikinatuwa ni Seth ang muling pagkikita nila ni JP. Pero magkahalung tuwa at lungkot ang namumutawi sa dibdib niya dahil nga sa wala itong maalala mula sa nakaraan. Pero sa kabila ng lahat ay laking pasasalamat niya sa poong maykapal kasi ulit ibinigay nito ang tanging hiling niya na sana makita niya ulit ang kaisa-isang taong minahal niya ng lubusan.*
*Ngunit sa kabilang banda si JP naman ay wala talagang maalala. Pero sa kaloob-looban niya ay iba ang pakiramdam niya nung mga oras na iyon na kayakap, kasama at kausap niya si Seth. Di niya maipaliwanag pero tilang matagal na niyang nakita ang taong ito pero di niya alam at matandaan kung saan at kelan.*
--------------------------------------------
[ Jude Paolo (POV) ]
*Pagka-uwi ko sa bahay mula as aking pamamasyal sa parke ay agad kong tinanong si nanay patungkol sa lalaking nakausap ko sa parke.*
"Nay ano po bah ang pangalan noong magkakambal na anak po ni Sir Armando na sinasabi nyo?" tanong ko kay nanay habang nagbibihis.
"Bakit mo naman natanong iyan anak?" nagtatakang tanong ni nanay sakin habang nagluluto.
"Kasi po may isang lalaki akong nakausap kanina sa parke. Nagpasama sakin na sumakay ng Ferris Wheel." sabi ko naman sa kanya.
"Ganun bah? Hmmmm..." sagot ni nanay na halatang nag-iisip kong ano ang pangalan ng mga anak nung taong tinatanong ko sa kanya.
"Sa pagkakaalam ko anak ay Christian John Buenaventura at Markus Seth Buenaventura ang mga pangalan ng mga iyon anak." sagot naman ni nanay sa akin.
*Sa pagkakarinig ko mula sa mga pangalan na sinabi ni nanay ay agad kong naalala ang lalaking nakausap ko kanina. Hindi na ako nagdalawang isip pa.*
"Nay parang siya po ang nakausap ko kanina yang si Markus Seth." sabi ko naman kay nanay.
"Talaga anak? Naku alam mo bah napakabait ng bata na yan at napakagwapo pa." pagpupuri naman ni nanay.
*Sabagay hindi ko naman talaga maitatangi na talagang gwapo naman talaga ang lalaki na iyon. Matataas na pilik mata, matatangos na ilong, maputi at samahan mo pa ng mga mapupulang labi nito at ang hubog ng katawan. Kahit sino mapapaibig talaga sa ganung klase ng lalaki.*
"Kung ganuon dito na pala namamalagi ang naka ni Sir." dagdag naman ni nanay.
"Bakit po pala nay?" tanong ko naman sa kanya.
"Kasi madalang lang yan sila pumunta dito sa Sta. Fe. kasi laging namamalagi yan sila sa lungsod o kaya naman sa ibang bansa. Siguro may importanteng kailangan gawin iyan dito." sabi naman ni nanay.
"Nay bakit po parang napakagaan ng pakiramdam ko sa kanya. At nung nakita niya ako bakit umiiyak siya. Tapos sinasabi niya pa na siya raw si Seth tapos ang isa pang ipinagtataka ko ay sinabi niya na magkasama raw kami na nagtapon noon bote." sabi ko naman kay nanay na may halong naiirita.
*Sa pagkakasabi ko noon ay agad akong napatingin sa bote na may lamang nakatupi na papel. Agad-agad ko itong kinuha mula sa kinalalagyan nito at kinuha ang papel mula sa loob ng bote. Pagkakakha ko agad ko na binuklat mula sa pagkakatupi at binasa ulit ang nakasulat. Pero mas tumawag sa pansin ko ang initial na naroon. #MSB*
BINABASA MO ANG
BOOK 2: MY ENEMY MY LOVER (BoyXBoy) - [ Completed ]
General FictionIsang ordinaryong binata lamang si Jude Paolo na may maraming papel na ginagampanan sa buhay. Iba't ibang pagsubok ang kinaharap niya mula pagakabata siya. Pero isa sa pinakamahirap na pagsubok na kinakaharap niya ang ang pagkawala ng kanyang memory...