KABANATA 8 : MAHAL KITA AT WALA NG IBA

123 6 0
                                    

*Hindi ko isusuko ang nararamdaman ko sa kanya. Tutulungan ko siya na maibalik lahat ng memorya niya kahit pa ang memorya niya patungkol sa kapatid ko na niloko siya. Alam ko na masakit sa parte ko at masasaktan din siya pero ayoko na munang maging makasarili ngayon. Kelangan ni Jude ng tulong para maalala niya ang kanyang nakaraan.*

*Pero sa pagkakataon na ito ipaglalaban ko na ang damdamin ko para sa kanya. Kung dati ay nag-paubaya lang ako sa kapatid ko pero ngayon hindi na. Ayoko siyang masaktan ulit. Di na baling ako na ang masaktan wag lang ang kaiisang tao na pinakamamahal ko.*

[ Narrator's (POV) ]

*Dahil sa pagbalik nga ng memorya ni JP ay unti-unti ng nagkakamabutihan ang dalawa. Dahil sa mga sinabi ni Anna nagkaroon na naman ng haka-haka si JP. Dahil sa mga ito ay unti-unti na naman siyang napapaisip kung sino pa bah talaga ang isang lalaki na dadating pa sa buhay niya na magpapabago sa takbo ng buhay niya. Pero ilang sandali pa at hindi niya nalang ininda ito at tuluyan na ang pag-iisip sa iisang taong ulit nagpatibok ng kanyang puso.*

*Samantalang si Seth naman ay desidido na sa kanyang gagawin na pagtulong na maibalik ni JP ang kanyang memorya kahit kaakibat pa nito ay ang masaktan ulit siya. Pero desidido din siya sa kanyang nararamdaman ngayon na ipaglaban ito mula sa kaninuman.*

-------------------------------------------

[ Seth (POV) ]

*Mag-aalas sais pa lang ng umaga ay gising na ako kasi nga isa ito sa pinakamaligayang araw ng buhay ko. Ang muling makasama ng matagal ang nag-iisang taong minahal ko ng ganito. Hindi man siya naging akin noon nakaraang ilang taon sisiguradohin ko na sa pagkakataon na ito ay magiging akin siya. Wala ng iba pang lalaki ang makakaagaw pa sa kanya.*

*Agad akong tumungo sa kusina at hinanap si Aling Rosa para tanungin kong okay na bah ang lahat ng mga ihahanda mamaya at ang mga gagamitin.*

"Aling Rosa, okay na po bah lahat para mamaya?" tanong ko sa kanya habang nagpupunas ng tuwalya sa mukha ko kasi kagagaling ko lang maghilamos.

"Okay na po sir. Naihanda ko na lahat. Mamaya mag-uumpisa na akong magluto." sagot naman nito sakin.

"Sir sino po bah yang pupunta rito bakit parang napakaespesyal niya sa inyo ahh.." dagdag pa nito.

"Opo Aling Rosa. Talagang napakaespesyal niya sa akin." sagot ko naman sa kanya.

*Ilang sandali pa at umakyat na ulit ako sa aking kwarto para ayusin ang mga gamit ko at ilagay sa ayos ang mga ito. Pagkatapos ay agad akong naglakad-lakad na muna sa bakuran para naman makalanghap ng sariwang hangin.*

*Pagkalabas ko ay amoy na amoy ko ang simoy at amoy ng naggagandahang bulaklak. Ilang sandali pa at ipinagpasya ko na puntahan muna ang pinakapaborito kung tanawin sa resort na ito at ito ang ang Scent Garden. Tuwing andito kasi ako napapanatag ang loob ko.*

*Mag-aalas dies na ng umaga ng nag-umpisa na akong maghanda para sunduin si Jude. Nag-uumpisa na din sina Aling Rosa at mga kasama niya sa pagluluto naaamoy ko na mga mga sangkap nito.*

*Ilang sandali pa at nagpaalam na ako sa kanila para sunduin na si Jude.*

"Aling Rosa, alis na po muna ako kasi susunduin ko na yung magiging bisita natin sa araw na ito." pagpapaalam ko sa kanya.

"Cge sir, mag-iingat ka huh." payo naman nito sa akin.

*At tuluyan na akong umalis. Nakamotorsiklo lang ako. Ilang minuto lang ang makalipas ng makarating ako sa tapat ng bahay nina Jude. Agad akong bumaba at tinggal ang helmet ko. Hindi ko akalain na pagkababa ko ay nakita ako agad ni nanay kung kayat bumati ito sa akin.*

BOOK 2: MY ENEMY MY LOVER (BoyXBoy) - [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon