*Mag-aalas sais na ng maka-uwi kami ni nanay sa bahay. Ganun padin hanggang lumilipas ang mga oras at araw napapadalas ang pagsulyap ko sa bote at nakapaloob na papel nito. Nakakaramdam ako ng takot na baka sakaling bumalik ang memorya ko kung totoo nga na nawala ito. Takot ako kung ano nga bah ang tunay na nangyari sa aking nakaraan.*
[ Narrator's (POV) ]
*Dahil sa bote at laman na papel nito at lalo na sa mga nakasulat dito ay mas lalong naguguluhan si JP at unti-unti na itong napapaisip tungkol sa kanyang nakaraan. Dahil din sa pagpapakita ng lalaki sa kanyang panaginip ay mas lalong nagkakaroon si JP ng interest kung ano bah talaga ang pangyayari sa kanyang nakaraan at anu ang mga kahulugan ng mga napakamatalinghagang mga nakasulat sa papel.*
*Dahil na din sa mga sinasabi ni Anna ay nagkakaroon na din si JP ng mga katanungan sa kanyang sarili patungkol sa kanyang nakaraan.*
--------------------------------------------
[ Jude Paolo (POV) ]
*Dahil sa mga nakaraang araw na palaging kong iniisip ang mga sinasabi ni ana pati na din ang pagpapakita ng lalaki sa panaginip ko ay hindi na ako mapalagay. Di ko alam kung bakit bah. Kusang pumapasok nalang ang mga ito sa isipan ko ng wala sa oras. Walang pasok ngayon araw ng linggo. Kung kaya't kaming lahat ay nasa bahay lang at nagpapahinga. Mag-aalas otso na ng umaga ng mga sandaling iyon ng muli na namang sumagi sa isip ko ang mga nakalagay sa bote at ang bracelet na palaging hawak at tinitingnan ni Anna. Dahil dito ay minabuti ko na tanungin nalang si nanay ulit patungkol sa sinasabi ni Anna at sa buhay nito.*
"Nay bakit po bah talaga nahhiwagaan ako sa mga sinasabi ni Anna.?" tanong ko kay nanay habang nagwawalis sa sala.
"Naku anak. Diba sabi ko sayo na nagmula ng kamuntikan na iyang malunod naguumpisa na siyang magsalita ng ganyan. Di rin namin alam kung bakit." sagot naman ni nanay.
"Nay kelan poh bah yan siya kamuntikan nang malunod?" tanong ko ulit sa kanya.
"Noong mag-aapat na taon palang siya. Napabayaan kasi at di namin na pansin na pumunta pala siya doon sa Scent Garden." sagot naman ni nanay.
"Saan po bah yung Scent Garden at anu ang makikita mo doon?" tanong ko ulit sa kanya.
"Ahh.. makikita mo lang ang Scent Garden sa loob ng resort ng Villa de Buenaventura. Tinagurian itong Scent Garden kasi nga ang nakapalibot dito ang iba't ibang klase ng bulaklak. At dahil sa mga bulaklak na ito ay napakabango ng hangin na ani moy nasa loob ka ng pagawaan ng mga pabango." sagot naman ni nanay.
"At sa garden na iyon may isang malaking puno at mula doon sa puno ay tanaw na tanaw mo ang napakalawak at bughaw na karagatan." dagdag pa nito.
*Pagkarinig ko sa mga sinabi ni nanay ay may biglang kumirot sa dibdib ko di ko alam kung ano. Para bang bumigat ang pakiramdam ko ng biglang ilarawan niya ang garden na iyon. Tila bah parang familiar sa akin ang hardin na iyon pero di ko alam kung kelan at saan ko nakita ito.*
"Pero nay papaano po siya nakapasok doon?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Nakapasok siya doon kasi nga matalik niya na kaibigan ang nagmamay-ari doon at ang turing na sa kanya ay anak. Doon din kasi ang una kong pinapasukan sa trabaho." paliwanag naman nito sakin.
"Sino po bah ang may-ari ng resort na Villa de Buenaventura?" tanong ko ulit sa kanya.
"Si Armando Buenaventura. Siya ang nagmamay-ari ng resort na iyan. Isa siya sa pinakamabait na tao dito sa Sta. Fe." sagot naman ni nanay.
*Sa pagkarinig ko ulit sa apelyido na binanggit niya bigla na namang sumakit at nakaramdam ng kirot ang dibdib ko. Tila bah may sinasabi ito pero di ko alam kung bakit. Dahil din sa tapos na si nanay sa pagwawalis ay umupo nalang ito sa tabi ko at nagkwento na tungkol sa talambuhay ni Anna.*
BINABASA MO ANG
BOOK 2: MY ENEMY MY LOVER (BoyXBoy) - [ Completed ]
Fiction généraleIsang ordinaryong binata lamang si Jude Paolo na may maraming papel na ginagampanan sa buhay. Iba't ibang pagsubok ang kinaharap niya mula pagakabata siya. Pero isa sa pinakamahirap na pagsubok na kinakaharap niya ang ang pagkawala ng kanyang memory...