KABANATA 14 : TO LIVE OR TO DIE

98 5 0
                                    

[ Narrator's (POV) ]

*Dahil sa isa na namang trahedya na nangyari ano ang mangyayari sa nooy nag-aagaw buhay na Seth at JP? Tuluyan na ngang bumalika ng memorya ni JP ngunit panibagong yugto at pagsubok na namana ng dumating sa kanya pati na sa mga kaibigan niya.*

*Dahil sa nangyaring ito paano na naman mababago ang buhay nina Seth, CJ at JP. Sino ang mawawala at sino ang matitira upang ipagpatuloy ang kwento at pagmamahalan.*

-------------------------------------------

[ CJ (POV) ]

*Pagkagising ko mula sa aking pagkakatulog ay nasa isang silid na ako. Nagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw. Pagkagising ko ay nasa tabi ko na si Mommy at si Ate Christina. Pilit kong iginalaw ang aking katawan ngunit di ko magawa. Dahil na rin sa mga pasa at bugbog na tinamo ko dahil sa lakas ng pakakabangga namin. Dahil sa napakatahimik at pansin ko na ako lang ang nag-iisang pasyente sa loob ng silid ay minabuti kong magtanong na kay Ate.*

"Te, Saan sina Seth at JP at yung iba?" tanong ko kay ate na pabulong kasi nga di ko pa masyado maibuka ang bibig ko.

"CJ, magpahinga ka nalang muna okay? Okay lang naman sina Seth at JP. Inoobserbahan pa sila ngayon ng mga doctor." sagot naman ni Ate na inaalalayan ako.

"Te? Nagsasabi ka bah ng totoo?" tanong ko ulit kay ate na pilit kong ibinabangon ang buo kung katawan.

"CJ naman ehh. Sinabi ko na na wag mo na munang pilitin ang katawan mo." sagot naman ni ate.

"Wag mo na silang alalahanin kasi nasa kabilang kwarto lang naman sila." dagdag pa nito.

*Ngunit hindi ako naniniwala sa mga paliwanang niya. Alam ko na may tinatago si ate na hindi ko alam. Alam ko kung paano nagsisinungaling si ate at hindi. Kung kaya't nagpupumilit na akong bumangon. Habang pinipilit kong bumangon ay siya namang pagpasok ng doctor sa silid.*

"Good morning Mr. Buenaventura, How are you?" pangungumusta ng doctor sakin.

"Okay lang mana ako doc. Medyo masakit pa talaga ang katawan ko." sagot ko naman sa kanya.

"Hmmmm.. Okay let me check you for a moment okay? Just stay still." sabi niya ulit sakin habang nilalapat ang stethoscope sa likuran ko.

*Habang sinusuri niya ako ay marami siyang sinasabi na mga katagan na di ko maintindihan. Sila lang ni Ate ang nag-uusap kasi nga naiintindihan din siya ni Ate kasi nga nakapag-aral si Ate ng Med ng dalawang taon before ito lumipat ng ibang kurso.*

"By the way Mrs. Angeles, regarding doon sa isa nyong pasyente. He needsss a......" hindi na natapos ng doktor ang kanyang sasabihin ng sumabat na si Ate.

"Ahhmm doc lets talk about it outside nalang okay?" sabi naman ni Ate.

*Ilang sandali pa at sabay na sila lumabas ng silid. Pansin ko ang pag-iba ng emosyon sa mukha ni Ate. Di ko maipaliwanag na tila bah magkahalong takot at pangamba ang nararamdaman at nakikita ko sa mukha niya ngayon.*

*Saglit na nagpaalam si Ate sa akin na pupunta na muna siya sa nurse station para lang magtanong kung kumusta na sina Seth at JP.*

*Pagkabalik ni Ate sa silid, kita ko sa mga mukha niya ang naghahalong takot at pangamba kung kaya't tinanong ko ulit siya.*

"Te? Ano bah talaga ang hindi ko alam? Anu bah talaga ang nangyayari?" tanong ko sa kanya.

"Cj... Pleasseeee.." sagot niya sakin at tumalikod para kumuha ng tubig pero kitang kita ko ang pagpunas niya sa kanyang mga luha.

"Te.. pleasseeeee.. karapatan ko na malaman ang katotohanan kung anu bah talaga ang nangyayari.." sabi ko sa kanya.

"CJ.. pleaseee wag mo na dagdagan pa ang problema.." mangiyakngiyak na wika nito sakin.

BOOK 2: MY ENEMY MY LOVER (BoyXBoy) - [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon