*Dahil sa mga sinabi niya ay bahagyang kumalma ako.*
"Babe, I Love You so much more than anyone else." sabi ko sa kanya.
"Babe I Love You More more more than anyone else." sagot niya naman sa akin sabay halik sa labi ko.
*At tuluyan na ulit siyang kumapit sa kaliwang braso ko at sinamahan nalang muna ako na maglakad-lakad habang nagpapalamig ako ng ulo ko dahil sa hinayupak kung kapatid.*
[ Narrator's (POV) ]
*Dahil sa pagtitipon na ito ay may mga tao na nagbabalik ulit sa buhay ni Jude. Sa pagdating ulit ni CJ sa buhay niya ay agad na humingi ito ng tawad dahil sa mga nagawa niya kay Jude. Pero hindi niya sukat akalain na makikita niya ang taong mahal niya na pagmamay-ari na ng kapatid niya. Dahil din sa ginawa niyang paglapit at pagkausap kay Jude ay nanggagalaiti si Seth. Dahil hindi parin lubos matanggap ni Seth na ang kapatid niya ang dahilan kung bakit nawala ang lahat ng memorya ni Jude.*
*Dahil sa pagdating ng mga tao na ito mula sa nakaraan paano ulit mababago ang buhay ni Jude at paano ito makakaapekto sa relasyon ni Seth at Jude?*
--------------------------------------------------------
[ Jude Paolo (POV) ]
*Habang naglalakad kami ni Seth sa labas dahil nga sa sobrang galit nito sa kapatid ay siya namang pag-uusap namin.*
"Basta Babe please kung pwede wag mo nalang siyang lapitan." sabi niya sakin habang nakatingin sakin.
"Bakit bah kasi Babe? Anu bah kasi talaga ang totoo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Babe please..." pagmamakaawa nito sakin.
"Babe bakit bah kasi? Sabihin mo nalang kasi." pagpupumilit ko naman.
"Babe ganito kasi yun. Yung kapatid ko na yun ay si CJ at siya din ang ex mo dati bago nawala lahat ng memorya mo." pagpapaliwanag nito sa akin.
"Ganun bah? Bakit naman kami nagkahiwalay?" usisa ko sa kanya.
"Babe mahabang storya. Mamaya ko nalang ipapaliwanag sayo dito ka din naman magpapalipas ng gabi ehh.." sabi pa nito sakin.
"Daya mo naman babe ehh.." sabi ko naman.
"Halika na pumasok na tayo sa aloob kasi medyo lumalamig na ang hangin." yaya nito sakin.
"Oo pero wag ka na ulit makikipag-away pa huh.. kundi humanda ka talaga sakin Markus Seth." pagbabanta ko naman sa kanya.
*Ngumiti na lamang siya at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng bahay. Lumalamig na din kasi talaga ang hangin. Pagkapasok namin ay tumambad sa amin ang Ate at yung kapatid ni Seth. Bigla akong natakot ulit baka kung anu na naman ang gagawin ng dalawa.*
"Halika na Babe punta na muna tayo doon sa kusina. Kuha lang tayo ng maiinom." yaya ni Seth sakin sabay hawak sa braso ko.
*Wala na akong nagawa kundi sumama nalang sa kanya. Sa higpit bah naman ng pagkakahawak niya makakawala pa kaya ako. Habang naglalakad kami papunta sa kusina ay pansin ko ang nanlulumong tingin ni CJ sa amin dalawa. Animo'y may halong pagsisisi sa mga mata niya.*
"Babe? Hindi mo bah kakausapin ang kapatid mo?" tanong ko s kanya.
"Ba't ko naan siya kakausapin? Siya ang dahilan ng lahat ng paghihirap mo. Siya rin ang dahilan ng pagkawala ng memorya mo." sagot niya sa akin.
"Babe matagal na yun ang importante ay magkasama tayo ngayon." sagot ko naman sa kanya.
"Bakit natatakot ka na baka maging kami ulit? At baka isang araw bumalik ang ala-ala ko at iwan kita?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
BOOK 2: MY ENEMY MY LOVER (BoyXBoy) - [ Completed ]
General FictionIsang ordinaryong binata lamang si Jude Paolo na may maraming papel na ginagampanan sa buhay. Iba't ibang pagsubok ang kinaharap niya mula pagakabata siya. Pero isa sa pinakamahirap na pagsubok na kinakaharap niya ang ang pagkawala ng kanyang memory...