KABANATA 16 : NEW LIFE, NEW BEGINNING

166 7 3
                                    

[ Narrator's (POV) ]

*Wasak na wasak ang nararamdaman at puso ng mga kaibigan at kapamilya ng tatlong sina Seth, JP at CJ. Ngunit sa kasawiang palad ay siya naman paglisan ni CJ sa mundong ibabaw. Pinili niya na ibigay ng kidney niya sa taong pinakamamahal niya. Alam niya rin kasi sa sarili niya na bilang na ang mga oras niya at anu mang oras ay mawawala na din siya.*

*Sa pagkawala ni CJ, papaano mababago ang takbo ng kwento ng mga natitirang karakter ng kwento. Anu ang mangyayari pag nalaman ni JP na ang kidney na nasa kanya ay di na sa kanya kundi sa taong unang nagmahal sa kanya ng totoo.*

-------------------------------------------

[ Christina (POV) ]

*Mag-iisang buwan na ng pumanaw si CJ at maelipat ang kanyang kidney kay JP. Sa awa ng diyos bumubuti na ang kalagayan nina JP at Seth. Si Seth baka makalabas na siya sa susunod na linggo si JP naman ehh baka matagalan pa kasi nga kelangan niya pa dumaan sa ilang mga pagsusuri bago masabi na tagumpay talaga ang operasyon.*

*Alas siete ng umaga ng pumasok ako sa kwarto na kung saan nakalagay sina Seth at JP. Nakalabas na rin kasi sila sa ICU. Pagkapasok ko ay kita ko ang kamumulat pa lang na Seth. Dali-dali akong lumapit sa kanya at inalalayan para bumangon.*

"Seth naman.. diba nga sabi ko sayo ehh wag ka na muna mag-gagalaw baka naman mabinat ka." sabi ko sa kanya.

"Malakas na ako Ate. Kaw talaga.. kilala mo naman ako diba.." sagot naman nito sakin na nakangiti.

*Ilang sandali pa ng makabangon ay lumingon ito sa kinaroroonan ni JP.*

"Kumusta na siya ate?" tanong nito sakin.

"Okay na siya. Dont worry about him. Naoperahan na siya for the kidney transplant." sabi ko naman sa kanya.

"Kidney transplant?" gulat na tanong nito sakin.

"Oo Seth. Kinailangan na operahan si JP at magkaroon ng transplant dahil kung hindi ay baka maaari niya itong ikamatay." paliwanag ko sa kanya.

"Pero saan kayo kumuha ng kidney? Buti naman at may donor agad. Napakahirap pa naman maghanap ngayon. Di ko akalain na ganito ka lala ang nangyari samin." sagot naman nito sakin.

"Sa awa nang diyos may nagmagandang loob na nag-alay ng buhay niya para lang madugtungan ang buhay ni JP." dagdag ko naman.

*Dahil na din sa pag-uusap namin ay bigla kong naalala si CJ lalo na nung bago ito pumasok sa operating room. Dahil dito ay nakaramdam na naman ako ng pagdadalamhati. Bumalik at sumariwa na naman ang sakit na namuo sakin sa tuwing naaalala ko ang aking nakababatang kapatid na si CJ.*

*Dahil dito ay kusang tumulo ang luha ko at napansin din ito ni Seth.*

"Ate? bat ka umiiyak?" nagtatakang tanong nito sakin.

"Wala-wala naalala ko lang nung mga oras na agaw buhay kayong dalawa. Di namin alam kung anu ang gagawin namin." paliwanag ko sa kanya.

*Sa mga oras na iyon di ko alam kung paano ko sasabihin kay Seth ang patungkol kay CJ. Na wala na ang kakambal niya. Alam ko pagsinabi ko ito ngayon maaaring maapektuhan ang pag-galing niya kung kaya't minabuti ko nalang na wag nalang munang sabihin. Hahayaan ko nalang muna na panahon na ang magsabi na okay na ang lahat.*

"Seth? Anu nagugutom ka na bah?" tanong ko sa kanya sabay dampot ng mga pagkain.

"Hindi pa ate ehh.. Si JP bah gumising na?" tanong nito sakin sabay tingin kay JP.

"Seth.. Simula noong naoperahan siya hindi pa siya gumigising. Pero sabi ng doktor gigisng din siya. Epekto siguro ito ng mga gamot na inilapat sa kanya." pagpapaliwanag ko sa kanya.

BOOK 2: MY ENEMY MY LOVER (BoyXBoy) - [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon