[ Narrator's (POV) ]
*Mula ng matagpuan ni Mang Tonyo si JP sa gitna ng laot ay wala na itong maalala kahit ano. Ang tangi niya nalang na-aalala ay ang kanyang pangalan pero hindi niya maalala kung saan siya nanggaling, sino ang pamilya niya at lalong lalo na ang mga dati niyang mga kaibigan kabilang na dito sina Seth at CJ. Sa panibagong yugto ng buhay niyang ito paano niya ito tatahakin at sinu-sino pa ang mga taong magiging parte ng paglalakbay niyang ito.*
-------------------------------------------
[ Jude Paolo (POV) ]
*Mag-aalas kwatro palang ay gising na kami ni Nanay para maghanda upang pumunta ng baybaying para sunduin si Tatay galing pangingisda. Pagkarating namin doon ay siya naman din pagdaong ng bangkang pangisda ni Tatay. Agad namin siyang sinalubong dala-dala ang mga bayong na kung saan lulan ang mga pagkain. Matapos kumain ng agahan ay nag-uumpisa na kami ni Nanay na maglako ng isda sa baryo. Kelangan naming makabinta agad kasi papasok pa siya sa resort na pinapasukan niya.*
*Mag-aalas-siete na at halos ubos na ang mga paninda naming isda. Kaya't minabuti namin na umuwi na muna at baka gising na din ang kapatid ko na si Anna.*
"JP, anak. Dito ka nalang muna huh. Samahan mo na muna dito si Anna kasi papasok na ako." sabi ni nanay sakin sabay kuha ng mga bayong na dala-dala niya.
"Opo nay ako na po bahala kay Anna." sagot ko naman sa kanya.
"Siya nga pala. Mamayang hapon magluto nalang kayo para pagdating ko kakain nalang tayo huh." dagdag naman nito.
*Agad na umalis si Nanay kasi baka malate pa siya. Si Tatay naman ay nasa palengke at nagtitingda ng mga nalambat niya na isda. Kami lang ni Anna sa bahay. Hinintay ko siyang magising at nang makakain na din siya. Ilang sandali pa at nagising na din ito.*
"Kuya, asan na sina nanay at tatay?" tanong nito sakin.
"Si tatay nasa palengke na at si nanay naman pumunta na sa kanyang tinatrabahoan." sagot ko naman.
"Halika na at kumain ka na ng agahan mo. Lalamig na itong pagkain." yaya ko naman sa kanya.
*Wala namang alinlangan na kumain ito.*
"Kuya gusto mo pumunta tayo maya ng bayan. Tapos daanan na din natin si Tatay." sabi nito sakin.
"Pwede din naman. Kaya nga kumain ka na jan para magawa na natin ang mga gawaing bahay." sabad ko naman sa kanya.
*Pagkatapos niya kumain ay agad na naming sinumulan uli ang paglilinis ng bakuran at pagpapakain ng mga alagang manok at baboy. Aliw na aliw kami ni Anna sa ginagawa namin. Makalipas ang ilang oras ay siya namang pagkain namin ng pananghalian. Mag-aalas tres na ng hapon ng umalis kami mula sa bahay at pumunta ng bayan.*
*Pagkarating namin sa bayan ay tumungo na muna kami sa palengke at dinalahan ng kunting makakain si Tatay. Kasi alam namin na gutom na ito. Pagkatapo ay nagpaalam na kami na mamamasyal na muna kami ni Anna sa parke.*
"Tay papaalam na muna kami ni Anna. Mamamasyal na muna kami sa parke." paalam ko sa kanya.
"Cge, basta mag-iingat kayo at wag kayong magpapagabi huh." payo nito samin.
*Ilang minuto pa at nakarating na kami sa parke. Di naman din kasi kalayuan ito mula sa kinaroroonan ng palengke na kung saan nagtitingda si Tatay. Pagkarating namin doon ay naupo na muna kami at nanuod ng mga batang naglalaro kasama ang mga magulang nila. Habang pinapanood ko sila ay biglang may naramdaman akong kakaiba. Parang may kirot na namuo sa dibdib ko di ko naman malaman kung anu ang dahilan. Napahawak nalang ako dito. Para bang may kulang sa pagkatao ko di ko alam kung ano.*
BINABASA MO ANG
BOOK 2: MY ENEMY MY LOVER (BoyXBoy) - [ Completed ]
General FictionIsang ordinaryong binata lamang si Jude Paolo na may maraming papel na ginagampanan sa buhay. Iba't ibang pagsubok ang kinaharap niya mula pagakabata siya. Pero isa sa pinakamahirap na pagsubok na kinakaharap niya ang ang pagkawala ng kanyang memory...