[ Narrator's (POV) ]
*Dahil sa pagbabalik ni JP sa lungsod ay tuluyan niya na ulit nalaman at nakita kung saan bah talaga siya nang galing at sino sino ang kanyan pamilya at kapatid. Dumating na ang panahon na nakita niya na ulit ang mga ito. Ngunit sa isang banda ay isang ina naman ang nangungulila sa kanyang itinuring na tunay na anak. Ngunit alam ni Aling Rosa na ito ang makakabuti para kay JP. Alam niya na hindi sa lahat ng pagkakataon ang magtatago na lamang si JP sa kanyang nakaraan.*
*Dahil na din sa tulong ni Seth at Christina ay nakabalik na si JP sa mundong kinalalagyan niya noon. Dahil sa pagbabalik niya sa kanyang nakaraan ano-anu ang mga mahalagang desisyon ang kanyang gagawin at anu ang epekto nito sa kanilang lahat?*
-------------------------------------------
[ Jude Paolo (POV) ]
*Dahil sa di ko maipaliwanag na pakiramdam ay tuluyan na rin akong yumakap sa ali na nooy umiiyak at mahigpit na nakayakap sakin. Pagkakita pa ng dalawang babae na kakalabas lang mula sa pinto ay agad itong tumakbo papunta sa kinaroroonan ko at binigyan ako ng mahigpit na yakap habang umiiyak din.*
"Babe? Sino sila?" nagtatakang tanong ko kay Seth na nooy nakatingin lang sa amin.
"Babe sila ang tunay mo na pamilya." sagot naman ni Seth sakin.
*Pagkarinig ko sa sinabi ni Seth agad akong lumingon sa kanilang tatlo at tuluyan ng tumulo ang luha ko. Niyakap ko si Nanay at pati na ang mga kapatid ko. Sa aming pagyayakapan ay biglang namuo na naman ang mga larawan na naglalaro sa isipan ko. Pero sa mga sandaling iyon ay kasali na silang tatlo sa larawan na nasa isipan ko.*
*Sa mga oras na iyon di ko maipaliwanag ang aking pakiramdam. Di ako makapaniwala na sila pala talaga ang tunay ko na pamilya pero sa kabilang banda ay may kahalong lungkot din ang naking nararamdaman kasi nga sa naiisip ko parin sina Nanay Rosa na naiwan sa Sta. Fe.*
"Ohh siya halika na kayo pumasok na muna tayo sa loob ng bahay kasi lumalamig na ang ihip ng hangin." sabi naman ni nanay sa amin.
"Cge po." magkasabay na sagot namin ni Seth.
*Pagkapasok ay agad na umupo kami sa sofa. Pagkatingin ko sa paligid ng sala ay nakabalandra ang mga larawan ko. Sa mga sandaling iyon tuluyan ko ng napagtanto na totoo nga na ito ang tunay kong pamilya.*
"Jude anak kay tagal kitang hinanap akala ko ay wala kana." sabi ni Nanay habang umiiyak parin.
"Ano bah kasi ang nangyari?" ulit na pagtatanong niya.
"Mahaba po kasing istorya Tita." sagot naman ni Seth kay nanay.
"Okay lang sakin kahit na gaano kahaba ang kwento na iyan handa akong makinig malaman ko lang ang dahilan ng pagkawala mo ng mahigit dalawang taon." sabi pa nito samin.
"Pero bago natin pag-usapan yan hali na muna kayo at maghapunan na muna tayo. Sakto kasi pagdating nyo ay maghahapunan na sana kami." yaya ni nanay samin.
"Cge po gutom na din po kasi ako. Lalo na itong Babe ko..." sabi pa ni Seth sabay akbay sakin.
"Hmmm... kung ganun ayy.. hay naku kayu talaga mga bata kayu.. siya halina na kayu." sabi niya at sabay na kami pumunta sa kusina.
*Habang kami ay kumakain siya namang pagkukuwentohan namin tungkol sa nangyari sakin na kung saan naipaliwanag naman ng maayos ni Seth ang mga pangyayari kung bakit ako nawala ng mahigit sa dalawang taon.*
*Matapos kaming maghapunan ay umupo na muna kami sa sofa at tuloy parin ang aming kwentuhan lalo na ng mga ate ko.*
"Jude anak alam ko pagod ka na. Magpahinga ka na doon sa kwarto mo." sabi ni nanay.
BINABASA MO ANG
BOOK 2: MY ENEMY MY LOVER (BoyXBoy) - [ Completed ]
General FictionIsang ordinaryong binata lamang si Jude Paolo na may maraming papel na ginagampanan sa buhay. Iba't ibang pagsubok ang kinaharap niya mula pagakabata siya. Pero isa sa pinakamahirap na pagsubok na kinakaharap niya ang ang pagkawala ng kanyang memory...