Chapter 1

3.3K 60 0
                                    

Aj's POV

'Krrriiiiiiiiinnnngggggg!!!!!!'
Halla buhay pa ako! "Aj gising ka na ba!?" hayst! kung pwede lang matulog nalang ako magdamag eh, tinuktok ko yung pintuan ng kwarto ko para malaman ni kuyang gising na ako. "Bilisan mo kumilos kakain na!" Heto na nga oh.

Unang araw ng pasukan ngayon at Hindi ako nakakaramdam ng Tuwa dahil nagtransfer ako ng school hayst! Di na bago hahaha! At mangangako na ako sa sarili kong makakatagal ako sa eskwelahan ko ngayon,. Sana nga.

"Ganyan na ba itsura mong papasok!? Mag make up ka nga!"
Sabi ni mama habang kumakain kami ng breakfast "Ayusin mo nga yang upo mo! Dalagang pilipina ka nga! Binatang pilipino ka naman Kung kumilos!" Padabog akong kumuha ng prinitong itlog, sanay Lang talaga akong nakaangat ang isang paa ko pag ako'y naka upo! Komportable ako eh.

"Hoy! Magtino ka ah! Mag aral mabuti!" Sabi ni kuya habang hinahatid ako sa gate "Oo na babay!" Walang gana Kong Sabi sakanya, dahil kakatransfer ko Lang sa school na yun malamang wala pa akong uniform at sa totoo lang Hindi ko pa alam kung ano itsura ng uniform nila, kaya nag t-shirt at pantalon nalang ako,. Nag trycicle ako papunta sa school.

Potek! Ang laki naman ng school na 'to. "Don Montenegro University!? grabe pinag isipan masyado Ang pangalan! Haha--" natigilan ako bigla ng makita kong marami ng estudyante ang papasok luh baka may nakarinig sakin! Pumasok na ako sa loob at sinimulan ko ng hanapin Ang room ko, anak ng tinapa bat ba Kasi Ang lawak ng school na to! 20 minutes na ang nakalipas Hindi ko parin nahahanap ang room ng Grade 11 Abm, kanina pa ako lakad ng lakad, nahihiya Kasi akong magtanong sa mga estudyanteng nadadaanan ko muka silang sosyal eh baka englishin ako.

"Hi!" May pumansin sakin habang nakaupo ako sa gilid ng isang room,
Yown muka siyang nerd! Baka mabait to! "Ah hello! Saan po ba dito yung room ng ABM 11 C?" muntanga ba to? Bat hindi sumagot,. Tinititigan Lang ako "ah hello?? Saan ba yung--" "Transferee ka? Parang ngayon lang Kasi kita nakita dito?" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla siyang sumingit "oo transferee ako, saan ba dito yung ABM 11 C?" Luh ngayon nakangiti naman siya sakin, hindi lang basta ngiti kundi kita gilagid, naka shabu ba 'to "Yes!! Pwede bang makipag kaibigan sayo!? ABM 11 C din ako! At doon ako papunta ngayon! So from now on! Magkaibigan na tayo! I'm Venus!" At nag shake hands kami "Andromeda jae solares, Aj for short", "nice to meet you! Tara na baka malate tayo!".. paniguradong late na tayo napakadaldal mo eh!.

Pumunta kami sa pinaka likod nag tabi kami "mamaya ililibot Kita sa buong campus!" Nakangiti niyang sinabi at nakangiti din ako ng konti, "sige ba! Hahanapin ko din Kasi yung dalawa kong kaibigan sabay sabay kaming nag enroll dito" biglang nawala Ang mga ngiti ni Venus "bakit?" nagtatakang Sabi ko

"may mga kaibigan ka na pala.. ibig sabihin iiwan mo Rin ako" malungkot niyang Sabi hehe ang cute niya.

"Ano ka ba! Edi sumama ka nalang samin, mabait naman Yung dalawang Yun, medyo may topak Lang minsan hehe" Sabi ko at
natawa naman siya.

Dahil first day of school palang wala pa masyadong tinuro ang teacher, nagkwento lang siya tungkol sa buhay niya hayst! MMK!

Naglilibot kami ni Venus at dinaig Niya pa Ang tour guide! Bawat sulok na puntahan namin ay may nasasabi siya!

Nasan na ba Yung dalawang Yun! Kabuset!

"Aj!!!!" May nagtawag sa pangalan ko at Alam ko na Kung Sino yun, nang nilingon ko ay Hindi ako nagkamali, sila Cora at Mari nga hehe.

"Ang aga mo naman mag chics!!" Natatawa niyang Sabi at nakangiti naman ako. "Sira! Kaklase natin Yan! Venus siya si Cora at siya naman si Mariano---aray!!"

I FINALLY MET MY MATCH (Part 1/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon