Chapter 34

1.2K 19 0
                                    


AJ'S POV

Naglakad lakad ako para hanapin si Viniel dahil Hindi ko maiwasang mag alala. Sabi niya Kasi susunod siya at gusto niya akong Makita pero kanina pa siya Wala, Hindi niya Naman ugali Ang paghintayin ako eh.

Nasan ka na?

Pumunta ako sa Studio nila at Wala siya dun, Hindi niya Rin sinasagot Ang cellphone niya pag tumawag ako. Ano bang nangyari sakanya?. Napahinto ako ng makasalubong ko si Miguel na naglalakad mag Isa.

"Hi"bati nito sakin at ngumiti naman ako

"Nakita mo ba Kung nasaan si Viniel?"

"Hindi eh, bakit?"

"Hindi ko Alam Kung nasaan siya eh, Sabi niya susunod siya sakin pero wala kanina pa siya Wala"

"Wow! Hanep yang Relasyon Niyo ah, Kung Hindi ikaw Ang nawawala, siya Naman haha!-- Tara samahan na Kita hanapin natin Ang kumag na Yan"natatawang Sabi ni Miguel saka kami nag lakad

Habang naglalakad kami ay huminto si miguel ng nasa CR kami ng panglalaki

"Ah, ok Lang ba Kung mag CR ako saglit?"tanong niya

"Sige hintayin Kita dito"sagot ko naman

Habang hinihintay siya ay iginala ko naman Ang paningin ko at naglakad lakad ng Hindi malayo para Makita niya Rin ako pag lumabas siya.

Sa paglakad lakad natungo ako sa cr ng mga babae na katabi din ng CR ng lalaki.

*Tug dub*

*Tug dub*

Parang gumuho Ang buong mundo ko sa nakikita ko ngayon.

Nakita ko Lang naman Ang Boyfriend ko na hinahalikan ang taong pinagseselosan ko. Alam Kong Si Viniel Ang humahalik sa kanya dahil na Rin sa posisyon nila. Nakasandal si Krystal sa pader at nakaharap Naman sakanya si Viniel.

Parang nahati sa sampo Ang puso ko at parang ayaw lumabas ng luha ko.

"Aj!"narinig Kong tawag sakin ni Miguel ng makarating Ito malapit sakin "What the hell!!"sigaw nito

Nahinto sila sa halikan nila at gulat silang tumingin samin.

"J-jae"usal ni Viniel ngunit Hindi ako tumingin sakanya kundi Kay Krystal ako tumingin.

Dahan dahan akong lumapit sakanya at bakas naman sa muka niya Ang takot, walang sali-salitang pabigla Kong kinuha Ang buhok niya at hinila ko Ito

"Aahh!!"usal nito sa sakit

Ibinato ko siya sa sahig saka lumapit ulit ako sakanya at hinawakan Ang kwelyo niya

"Malandi ka talaga 'no?"nanggigigil Kong Sabi saka ko siya sinampal ng malakas at natumba ito "T*ng Ina mo Krystal!"galit Kong Sabi

"Jae"rinig Kong Sabi ni Viniel at hinawakan Ang braso ko.

Hindi ako humarap sakanya at pinatunog ko ang leeg ko at huminga ng malalim saka ako humarap sakanya at sinapak siya.

Hindi pa ako nakontento dun, binangon ko siya at sinapak pa. Umakyat na sa ulo ko Ang galit, Hindi ko na kailangan ng paliwanag dahil kahit anong paliwanag pa Ang gawin niya ay Sobrang malinaw na sakin Ang nakita ko.

Binangon ko siya gamit Ang kwelyo niya "Sino ka para gawin 'to sakin?-- t*ng Ina Viniel! Ginagago mo ako!!?"galit na galit Kong Sabi at walang lumalabas na luha sa mga Mata ko. Binato ko siya ng malakas

I FINALLY MET MY MATCH (Part 1/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon