Chapter 5

1.7K 41 4
                                    

Viniel's POV

"Bakit mo ako pinapunta dito?" Tanong sakin ni amazona

"Be my Girlfriend" prangka ko sakanya

Gusto Kong matawa sa reaksyon niya, dahil napanganga Ito at lumaki Ang Mata, nakangisi Lang ako sakanya

"At Hindi ka pwedeng tumanggi dahil pag ginawa mo Yun, bukas na bukas di ka na makakapasok dito" nakangiting Sabi ko sakanya

"Ah!? Huh!?" Nakangangang niyang Sabi

"Bye" Sabi ko sakanya at iniwan ko siyang nakanganga

Napatingin ako sa mga kaibigan niyang nakatingin sakin parang nagulat din sa narinig nila haha!

Wag kayong mag imagine! Diko type yang kaibigan Niyo! Parte Yan ng Plano ko bwahahaha!

Well, hindi ko naman talaga nakita yung dibdib niya kanina eh, sa lips niya Lang ako nakatingin, masyado Lang siyang praning, Kaya sinakyan ko nalang ang pagiging praning niya haha!

Ayoko na sanang patulan Ang babaeng yun kaso medyo nakakalalaki ang mga ginawa niya sakin! Una Ang tawanan niya ako sa harap ng maraming tao,! Pangalawa Ang sapakin niya ako at takbuhan,! At Ang pangatlo Ang bansagan niya akong Manok!, Lakas ng trip niya!

Plano ko talagang gawin siyang GF para pag nalaman ng mga fans yun, maraming mambubully sakanya at di niya yun makakayanan! Oo amazona siya pero tao parin siya! Marunong masaktan!

I hate her!

"Oy! San ka galing?" Tanong sakin ni Carlo

"Diyan lang! Nagpahangin"

"Sasama ka bang manonood sa Friday?" Tanong sakin ni Vincent

Friday? Anong meron sa Friday?

"Audition! Para sa bagong guitarist" sagot ni vincent

"Bakit? Aalis ka na ba Jose?" Baling ko Kay Jose

"Hmp! Nek nek mo! Hindi 'no!" Sigaw ni Jose sakin

"Eh bakit kailangan ng bagong guitarist!?" Tanong ko

"Dahil electric guitar na rin Ang hahawakan ni Jose"

Nagulat kami ng biglang sumulpot si Miss and

"Ayun!! Na promote din! Haha" masayang Sabi ni Jose

"May sasalihan tayong battle of the bands pero wala pang sinabing exact date, kailangan niyong paghandaan maigi Yun, dahil Ang balita ko mga professionals Ang mga sasali!" Nakangiting Sabi ni miss Ana

Tumango kaming lahat

"Isang kanta Lang Ang dapat niyong kantahin at dapat Hindi aabot ng 4 minutes," Sabi ni miss Ana samin at nagulat naman kami

4 minutes!? Seriously!?

"4minutes?" Tanong ni Miguel

"Oo Kaya magplano na kayo" Sabi ni miss Ana at umalis na Ito,

"4 minutes? So 4 minutes Lang ako pwedeng mag pacute" usal ni Carlo

Pabebe talaga Ang isang 'to

K I N A B U K A S A N

Normal Lang na araw to para sakin wala masyadong Bago, sanay na ako sa tilian ng mga babae at binabae

Naglalakad ako papunta sa aking room nang makita ko si Andromeda kasama niya ang mga barkada niya at nagtatawanan,

Bakit parang wala Lang sakanya? Hello BF niya na ako, pero wala Lang sakanya!?, di man Lang nag ayos ng sarili! muka parin siyang tomboy, at pag nagtabi sila nung kasama niyang babae na transferre din muka silang mag jowa!

I FINALLY MET MY MATCH (Part 1/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon