Chapter 12

1.7K 39 2
                                    

Viniel's POV

Naghahanda na kami para sa manyayari mamayang gabi, Todo practice kami dahil desidido kaming manalo, halos Hindi na kami lumabas ng studio Kaka practice

"Ok boys! Enough muna!" Sabi ni miss Ana "Tama na ang practice! 3:30 pm na! Magpahinga na kayo para may energy kayo later ok,! Viniel and miguel, dapat Maayos Ang boses Niyo mamaya!"

"Yes miss!" Sagot namin ni Miguel

"Ok! Magpahinga na kayo ah!!! O Kaya kumain, o Kaya naman pumunta kayo sa girlfriends Niyo para mainspired kayo!" Biro samin ni miss Ana

"Hehehe sige miss!" Sagot namn ni Jose

"Bakit may girlfriend ka!?" Tanong sakanya ni Vincent

"Paki mo ba!?" Sigaw sakanya ni Jose haha!

"Hahaha! Sige! Maiwan ko na kayong! Magpahinga kayo!!" Sabi ni miss at umalis

"Bye miss!" Pahabol ni Carlo "uuwi muna ako guys!"

"Bakit?" Tanong naman ni Miguel sakanya

"Nakalimutan ko Yung idadamit ko! Saglit Lang! Bye!" Sagot ni Carlo saka umalis

"Huh!" Pahabol naman sakanya ni Jose "tsk! Mambababae Lang Yun eh!" Sabi niya pa at napakamot ng ulo

"Tara sa canteen!" Yaya samin ni Miguel

Habang papunta kami sa canteen ay nahagip ng Mata ko si Andromeda na kumakain ng chichirya habang tumatawa at napangisi naman ako

Tsk! Kaya punong puno ng vetsin Ang utak eh! Haha

"Cora!!" Sigaw ni Jose sakanila at lumingon naman sila at naunang lumapit sila Mari at venus at parang tinatamad namang sumunod si Andromeda

"Dati cutie,! Ngayon Cora na!? Ayos ah!" Sabi ni Andromeda habang natatawa atsaka lumapit siya Kay Jose inakbayan Ito na parang magtropa

"Hoy corazon! Ano namang masasabi mo sa lover boy na 'to" Sabi ni Andromeda Kay Cora habang nakaturo Kay Jose at natatawa
"Corazon ka diyan!!! Kainis ka talaga!!!" Inis na Sabi ni Cora

"Ang Real name niya ay Corazon!--- Corazon Ang unang--" Sabi ni Andromeda Kay Jose

"Corazon, Ang unang  nagpatibok sa pihikang puso ni Jose" patuloy naman ni Jose at sumeryoso naman ang muka ni Andromeda at parang nadismaya

"Hahahaha!!" Tawa naman ng ibang kasama namin at natawa din ako sa itsura ni Andromeda na parang Hindi nagustuhan Ang sagot ni Jose

"Bahala ka nga diyan! Ang Korni mo!" Sabi ni Andromeda Kay Jose at binatukan ng mahina atsaka pumasok sa canteen

Tuloy parin Ang tawanan nila ngunit si Cora ay kinikilig at si Jose naman ay parang nahihiya sa kakornihan niya

Pumasok na Rin kami sa canteen at naabutan Kong nag order si Andromeda ng tubig

Bakit tubig Lang? Wala ba siyang pera!?

Lumapit ako sakanya at napatingin naman siya sakin

"Yan Lang oorderin mo?" Tanong ko skanaya

"Oo, di ako gutom, kakakain ko Lang"

"Ng chichirya?"

"Oh? Bat mo Alam?"

"Nakita Kita kanina kumakain ng chichirya"

"Luh? Pinagmamasdan mo ba ang kapogihan ko?" Tanong niya habang natatawa

I FINALLY MET MY MATCH (Part 1/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon